top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ANDREA, LALONG SUMIKAT DAHIL SA PAG-IINGAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 31, 2023


Dahil sa mga issues na kinasangkutan ni Andrea Brillantes na may kinalaman sa kanyang love life at personal na buhay, lumikha ng ingay at impact ang pangalan niya.


Kahit na sabihing dinurug-durog ng mga bashers ang kanyang pagkatao dahil sa sobra niyang pagpapakatotoo, but still, lagi siyang talk of the town at topic ng mga Marites.


At nagbunga naman ang mga negang pinaggagawa niya dahil dumagsa ang offer sa kanya na mga endorsements.


Naging underdog si Andrea sa paghihiwalay nila ng basketbolistang si Ricci Rivero. Nasaktan man siya, madali siyang naka-move on.


Ngayon nga ay naging sentro ulit siya ng issue at muling naba-bash dahil sa lantarang pagpaparamdam sa guwapong anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak. Para kasi sa iba, ang cheap-cheap ng ginawang ito ni Andrea.


Kababae niyang tao, pero siya pa ang unang gumagawa ng paraan upang mapansin ng lalaking natitipuhan niya.


Well, dedma lang si Andrea sa mga panlalait sa kanya. Kahit ano pa ang sabihin ng iba, hindi siya magpapaapekto sa mga ito. Gagawin niya kung ano ang nagpapasaya sa kanya, lalo na ngayong binigyan siya ng project na siya ang bida.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page