top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Andrea, knows mo 'yan? PADIR NI RICCI, ANAK NA ANG TAWAG KAY LEREN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 24, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 24, 2023




Hindi nauubusan ng isyu sina Ricci Rivero at Los Baños Councilor Leren Mae Bautista at dagdag na pag-uusapan ang ini-repost ni Leren na post ng dad ni Ricci na si Ruzcko Rivero tungkol sa ugali ng isang tao.


Sabi ng dad ni Ricci, “'Yun naman ang hindi tutuo. Plus, importante 'yung maayos na ugali at pagrespeto sa minamahal mo at hindi lang pakitang-tao para mapag-usapan, 'yun naman ang sobrang layo at 'yan ang sigurado ako. May God bless you, mga anak.”


Nag-comment din si Leren sa post na ito ng dad ng boyfriend ng three red heart emojis at ganu’n din si Ricci.


May mga nag-agree sa post na ito at nagpahayag sila ng saya sa good choice raw ni Ricci.


May mga nega comments pa rin at kung anu-ano ang itinawag kay Leren at hinihintay na nga na ipagtanggol siya ni Ricci.


Makikita rin sa Instagram ng dad ni Ricci na muling nakasama ng pamilya nila si Leren at parang sa basketball game uli. May larawan din ang mga Rivero na kuha sa birthday ng brother ni Ricci at si Leren lang ang bisita.


“Anak” na ang itinawag kay Leren ng dad ni Ricci. Ibig sabihin, tanggap na niya ito at ng kanyang pamilya as Ricci’s girlfriend. Heto nga at laging kasama ng Rivero family ang konsehala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page