top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ANDI, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN DAW NILA NI PHILMAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5, 2024
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 5, 2024


Showbiz Photo
File photo: Andi Eigenmann

INALMAHAN ni Andi Eigenmann ang espekulasyon ng mga netizens na nag-divorce na sila ng partner niyang si Philmar Alipayo.


Tila nag-ugat ang tsismis nang hindi makasama si Philmar sa bakasyon ni Andi sa Japan kasama ang kanyang mga anak at mga kapatid.


Sa isang post ng aktres ng mga larawan nila na kuha sa Japan ay nagkomento ang isang netizen at pinagdudahang hiwalay na sila ni Philmar.


“If it's not true that Philmar and you are divorced, you two should explain in your vlog so that it doesn't get worse. We know, Marites will find a way to make it true,” pahayag ng isang netizen.


Pinuna rin ng netizen na ‘to na malungkot daw si Andi sa larawan, “Si Andi, very obvious malungkot, bakit kaya?” 


Hindi napigilan ni Andi ang sarili at sumagot ng, “Namatayan po kasi ako nanay.”


To set the record straight ay nagbigay ng pahayag si Andi tungkol dito sa kanyang Instagram story. Aniya, nagbakasyon lang siya pero pag-uwi niya ay nalaman niyang hiwalay na siya.


“I literally just went on a vacation with my brother and our kids, and came home to find out, through the internet, that I've just been separated,” sey niya sa IG Story.


Sa isa pa niyang post ay in-address din niya ang isyung pinepeke lang niya ang kanyang kalungkutan sa pagyao ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.


“The internet didn’t seem to like that I was grieving the loss of my nanay. Apparently, according to them, I had been faking my sadness about it all along (Not enough social media posts perhaps?),” pahayag ni Andi.


Aniya pa, nagdesisyon daw ang internet na ang kalungkutan niya ay dahil isa na siyang divorcee gayung hindi pa naman siya ikinakasal.


“Due to this, the internet has decided that the reason for my sadness is not that I have recently been an orphan but in fact, a divorcee (even if I had never been married).


“Helpppppp (laughing with tears emojis),” sey pa ng aktres.


At para i-refute rin ang espekulasyon, nag-post si Philmar ng larawan ni Andi at sa caption ay pinauuwi na niya ang kanyang partner.


“Arang na ka mingaw, oli na (malungkot ka, uwi na),” caption ni Philmar.


Nakahinga naman nang maluwag ang mga fans dahil sa nasabing post, dahil nakumpirma nila na hindi pa hiwalay ang dalawa.


“Mahimbing na ang tulog ko mamaya,” sey ng isang netizen.


Pagtatanggol naman ng isang fan kina Andi and Philmar, “Nagbakasyon lang kasama ang kuya n’ya and family, ginawan agad ng kuwento. Kaya ayaw na lalo bumalik sa showbiz niyan."


"Saludo ako sa Kuya Gab n’ya dahil isinama sila sa Japan mag-iina para malibang at mawala ang lungkot ni Andi. Kaya ‘di kasama si Philmar, nagte-training at may negosyo sila na dapat isa sa kanila, eh, naroon.”


Tanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page