Anak, todo-hingi ng donasyon… PEN NAOSPITAL, KAILANGANG OPERAHAN SA SPINE
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 18, 2022

Kasalukuyang nasa hospital ang beteranong aktor na si Pen Medina at nakatakdang sumailalim sa isang major spine surgery. Ang kanyang anak na si Alex Medina ay humihingi ng pinansiyal na tulong para sa amang na-diagnose ng Degenerative Disc Disease (DDD).
Sa kanyang Instagram post kahapon called “A Call For Charity For Pen Medina” ay ipinahayag ni Alex ang hirap na dinadaanan ng ama kasabay ng paghingi ng tulong para maipagamot ito.
“To his friends, relatives, and co-workers:
“Our dad, 71-year-old actor Pen Medina, has been in the hospital for three weeks now and currently cannot sit or stand up due to Degenerative Disc Disease (DDD). He is scheduled for a major spine surgery on Tuesday, July 19,” simula ng pahayag ni Alex.
Ipinagtapat din ng aktor na dahil sa pandemic ay hindi na nakakapagtrabaho ang kanyang ama at naubos na ang savings.
“Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years. We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him.
“We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet - literally and figuratively. Maraming salamat,” saad pa ni Alex.
Sa dulo ay nakalagay din ang bank details ng anak ni Pen para sa mga nais magbigay ng tulong- pinansiyal para sa beteranong aktor.
Maaari ring makipag-ugnayan sa isa pang anak ni Pen na si Japs Medina para sa mga nagnanais magpaabot ng tulong para sa amang maysakit.
Bago ito ay napanood pa si Pen sa mga Kapamilya seryeng La Vida Lena at Viral Scandal.





Comments