top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Anak, sinumbatan… JULIA, DUROG AT NEGA NA NAMAN SA BAGONG PASABOG NI DENNIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 19, 2022
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 19, 2022


Hurt pa rin si Julia Barretto at inamin niya ito sa recent interview sa kanya ni Karen Davila kaya hindi pa niya kayang patawarin ang amang si Dennis Padilla sa mga pagkukulang na nagawa nito sa kanilang magkakapatid.


Katwiran ni Julia, imbes protektahan sila ng ama, lalo silang napapahamak dahil sa mga ipino-post ni Dennis sa socmed na hinanakit sa kanilang tatlong anak nito kay Marjorie Barretto.


Pero kung hurt pa rin si Julia, mukhang dobleng sakit ang naramdaman ni Dennis sa mga sinabi ng anak kay Karen kaya na-trigger na naman ito at nag-post ng sunud-sunod na pictures nila sa Instagram with matching matitinding pasabog sa caption-comments.


Simula ng emote ni Dennis na tinawag ang attention ni Karen Davila, "@iamkarendavila…You better interview ME… para 'di one sided… 'Wag ganu'n!"


Sa comment section naman, mababasa ang mensahe niya kay Julia na "Julia… Since you were born… Ako ang provider… What are you talking about??? Nu'ng mag-artista ka sa Kokey…


Hiwalay na kami… You make me look useless… sobra ka naman… Karen… You need to interview me para klaro."


Para sa kaalaman ng mga hindi nakapanood sa interview ni Karen kay Julia sa vlog nito, nasabi kasi ng aktres na “I just need more love from him. More love, more protection. I just feel like he should be my number one protector and that’s not really what I’m getting right now from him. So it does hurt because dapat siya 'yung tinatakbuhan ko, 'di ba? But it is sad that I can’t. So I pray for it."


May sagot dito si Dennis at sabi niya sa isa pang IG post niya, "Nu'ng malakas pa ako kumita at maliit pa kayo… Kanino ba nabuos lahat? Sa inyo… Kasi gusto ko maginhawa ang buhay n'yo…


Kaya Karen Davila, interview mo 'ko para klaro ang lahat."


Sa comments section, sunud-sunod din ang revelation ng aktor at pati ang pagpapapalit noon ng mga anak ng apelyido ay naungkat na naman.


"Julia… Ang alam mo, kalahati ng katotohanan, ano ba???


"Nu'ng pinatatanggal n'yo apelyido ko… Humingi ba kayo ng apology???


"@iamkarendavila… Kol me."


Nagulat din kami sa rebelasyon ni Dennis na nag-sorry pala siya kay Gerald Anderson na BF ni Julia. Kung para saan, 'yun ang malabo pa na sana ay malinawan ng aktor sa kanyang interview soon.


Sabi ni Dennis, "Ang buong bahay ko… Ang halaga, katumbas lang ng isang kotse mo, Julia…


Ano pang revenge ang gusto n'yong gawin? Lahat ng blessings, nasa inyo na… Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko… Ano pa gusto n'yo?... Pati kay Gerard (wrong spelling) humingi ako ng apology… ano pa?


"Karen asked you kung napatawad mo na ako? Karen ask me also kung napatawad ko na silang lahat… Interview me para mahimay natin."


May sinabi pa si Dennis tungkol sa paulit-ulit na paglipat nila ng bahay.


"14 time kami lumipat ng bahay… Tama Julia… Sino ba nagbabayad ng paglipat… Ako 'yun!!!!"


Hindi pa malinaw ang hugot na 'yan ni Dennis kaya maganda nga sanang maipaliwanag niya.


Samantala, ramdam din ang hinanakit ng ama ni Julia sa mga anak dahil sa hindi raw pagbibigay-pagkilala sa angkan ng mga Baldivia na roots din naman ng mga ito at proud lang sa pagiging Barretto.


Caption ni Dennis sa post na picture ng mga magulang, "Si Dencio Padilla aka Esteban Baldivia…


Lolo mo 'yan… siya owner ng apelyido natin Julia, Claudia at Leon…


"Ni minsan, 'di n'yo nabanggit ang name ng lolo n'yo sa interview.. Haligi rin ng industriya natin si Dencio Padilla aka Esteban Baldivia…


"Sobrang tayog ng lipad… Awat na mga anak.


"Lagi n'yong sinasabi na magandas ang lahi n'yo… bakit pangit ba Lola Lina n'yo?> Helloooo!


"Kalahati ng dugo n'yo… Amin galing…"


Awww!


Hindi kaya lalo pang madagdagan ang galit o sama ng loob ni Julia kay Dennis lalo't kung ang mga pahayag lang ng aktor ang pagbabasehan, parang ang sama-samang anak ni Julia at ng mga kapatid nito.


Heto nga't may balitang 'nilangaw' daw ang movie ni Julia na Expensive Candy, baka lalong maging nega ang image ng aktres dahil sa ginawa ni Dennis.


Tsk! Ang sakit-sakit na mabasa pa sa socmed ang mga hinanakit nila sa isa't isa. Sana'y mapag-usapan na lang nila ito nang sila-sila na lang para maayos na nang tuluyan at hindi ang mga Marites lang ang makinabang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page