Anak, puring-puri sa movie… ANNABELLE, NATANGGAL ANG EYELASHES KAIIYAK KAY RUFFA
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 1, 2022

Nakakatuwang well-attended ang ginanap na premiere night ng Viva Films' latest offering na Maid in Malacañang nu'ng Friday (July 29).
Feeling talaga namin ay bumalik na ang interes ng moviegoers na makapanood ng mga pelikula sa loob ng sinehan.
Present ang buong cast ng movie na binubuo nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Kiko Estrada, Kyle Velino at ang tatlong gumaganap na maids na sina Karla Estrada, Beverly Salviejo at Elizabeth Oropesa.
Of course, all-out support si Sen. Imee Marcos sa movie na tungkol sa last 72 hours ng kanyang pamilya sa Malacañang bago sila pinaalis papuntang Hawaii.
Hindi rin siyempre mawawala ang most controversial director ngayong si Direk Darryl Yap na sayang at hindi namin na-interview after the premiere night para matanong sana kung saan niya ibinase 'yung huling pasabog niyang eksena sa MIM kung saan ipinakitang nagma-mahjong si the late Pres. Cory Aquino kasama ang mga madre.
Maganda sanang maipaliwanag nang maayos ni Direk Darryl kung factual ba ang naturang eksena o tamang 'tsismis' lang na isinama lang sa movie para maging controversial ito at makahatak ng manonood.
Pero whatever it is, diyan talaga magaling si Direk Darryl, sa pagma-market ng movie niya dahil tinitiyak niyang bawat pelikulang ginagawa niya ay pag-uusapan at magki-create ng human interest.
Akala rin namin ay pure historical movie ang Maid in Malacañang pero hinaluan pala ito ni Direk Darryl ng konting comedy kaya dramedy ang outcome. Kaya ang feeling namin, kung may susunod sa yapak ng yumaong si Direk Wenn Deramas, puwedeng si Direk Darryl 'yun.
Samantala, comedy din ang nabasa naming post ni Tita Annabelle Rama sa Facebook account niya kung saan puring-puri siyempre niya ang movie at pati ang acting ng kanyang unica hija na si Ruffa na gumanap bilang si dating First Lady Imelda Marcos.
Part ng FB post ni Tita A, "It’s very entertaining! I’m inviting each and everyone to please watch and support the movie. Drama, comedy. Natanggal ang eyelash ko kaiiyak."
Hahaha! So, umuwi kaya si Tita A na isang mata na lang ang may eyelash or both eyes naman ang nawalan ng eyelashes?
Anyway, sa Aug. 3 na ang showing ng Maid in Malacañang sa mga sinehan.





Comments