top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ANAK NINA GLYDEL AT TONTON, WAITRESS, TAGA-LINIS AT TAGA-TAPON NG BASURA SA JAPAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 16, 2022





Sobrang proud sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez sa kanilang anak na si Aneeza.


Sa halip kasi na pasukin din ang showbiz at mag-artista, mas pinili nitong mag-aral at magkaroon ng part-time job sa isang resto sa Japan. Wala siyang reklamo sa kanyang mga ginagawa.


Naranasan niyang maging waitress, taga-linis ng resto at taga-tapon ng basura, atbp..


Hindi niya ikinahihiya ang mga dirty jobs na kanyang ginagawa sa Japan habang nag-aaral doon.


Kung tutuusin, sa ganda ng anak nina Glydel at Tonton ay madali siyang makakapasok sa showbiz.


Pero, prayoridad pa rin ni Aneeza ang kanyang pag-aaral. Binigyan niya ng halaga ang edukasyon.


Lumaki siyang independent at hindi spoiled brat, kaya ganu'n na lang ang tuwa at pasasalamat nina Glydel at Tonton dahil lumaking mabait at responsable ang kanilang anak.


Binigyan nila ito ng kalayaan na pumili ng buhay na gusto niyang tahakin. At 'pag nakatapos na sa kolehiyo, si Aneeza na mismo ang magdedesisyon kung gusto rin niyang mag-artista tulad ng kanyang mga magulang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page