Anak nina Aga at Charlene… ATASHA, MAY ‘K’ MAGING NEXT SHARON CUNETA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 12, 2026

Photo: IG _atashamuhlach
Marami ang nagsabing tama lang ang desisyon ni Atasha Muhlach na mag-concentrate muna sa showbiz kaysa sa love life.
Nagsisimula nang gumanda ang kanyang career. May pinatunayan siya nang maging matagumpay ang Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical. Si Atasha ang bida rito, kung saan kumanta, sumayaw at umarte siya. Hindi niya pinansin ang mga bashers na nanlait sa kanya.
Sa kanyang latest interview, nilinaw ng anak ni Aga Muhlach ang tungkol sa nababalitang rumored boyfriend niyang si Jacob Ang, anak ng multi-billionaire businessman na si Ramon Ang. Single raw si Atasha at hindi committed kay Jacob. Prayoridad niya ang kanyang career, at maraming plano ang Viva Entertainment para sa kanya sa 2027.
Well, posibleng i-build-up siya bilang successor ni Megastar Sharon Cuneta. At maipagmamalaki niyang nakamit niya ang lahat sa pamamagitan ng sariling sikap at sipag, hindi dahil anak siya nina Aga at Charlene.
Tanggap na anytime, puwedeng kunin ni Lord… KRIS, AYAW NA NASA TABI NIYA SI BIMBY ‘PAG NAMATAY SIYA
MARAMI sa mga nakapanood sa special guesting nina Kris Aquino at Bimby sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang nagsabing may pagka-morbid ang mga naging pahayag ni Kristeta.
Napag-usapan kasi nila ni Abunda ang tungkol sa kanyang autoimmune disease. May posibilidad daw na isang umaga ay hindi na lang siya magising.
Sey ni Kris, sana raw ay wala si Bimby kapag nangyari iyon dahil ayaw niyang masaksihan nito ang kanyang pagpanaw.
Para sa isang anak, masakit at traumatic na makita ang ganoong eksena.
Malakas ang loob ni Kris sa pagtanggap sa kanyang kalagayan. Pilit siyang lumalaban para sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, na siyang dahilan kung bakit nais pa niyang dugtungan ang kanyang buhay.
Ganunpaman, ipinapasa-Diyos na niya ang lahat.
Sey nga ni Kris, “Thy will be done.”
Ayaw matulad kay Ate Gay…
ALLAN K., NATAUHAN, TODO-INGAT NA SA HEALTH
NANG yumao ang stand-up comedian na si Ate Gay, nagsilbi itong eye-opener kay Allan K. upang bigyan ng higit na atensiyon ang kanyang kalusugan. Labis niyang ikinabahala ang sunud-sunod na pagpanaw ng mga kasamahang komedyante na nagtatrabaho sa mga comedy bars. Gabi-gabi ay puyat ang mga ito at exposed sa usok.
Kaya naman, ipinapayo ni Allan K. sa mga comedians na alagaan ang kanilang kalusugan at regular na magpa-checkup. Huwag nilang abusuhin ang kanilang sarili.
Labis na ikinalulungkot ni Allan K. ang pagyao ni Ate Gay, na matagal niyang naging kaibigan. Nakapag-usap pa sila bago ito namatay.
Kaya ngayon, prayoridad niya ang kanyang kalusugan. Umiiwas na rin siya sa stress at naglalaan ng oras upang magpahinga.
Masaya rin ito na patuloy siyang bahagi ng programang Eat… Bulaga! (EB!) na napapanood araw-araw sa TV5.
Mahigit 30 taon na siya sa EB! at nag-e-enjoy siyang katrabaho ang mga Dabarkads lalo na sina Tito, Vic at Joey, na hinahangaan niya sa pagiging propesyonal sa trabaho.





Comments