top of page
FRANKLY - LISENSIYA NI BINI MIKHA, SINUSPINDE, SUMUKO SA LTO_IG _bini_mikha _FB Circulated

Aktres, AFAM daw ang bagong BF… IÑIGO, TIKOM ANG BIBIG SA EX NA SI MARIS

Writer: BULGAR
BULGAR
55 minutes ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 12, 2026



WINNER - IÑIGO, TIKOM ANG BIBIG SA EX NA SI MARIS_IG _inigopascual & _mariesteller

Photo: IG _inigopascual & _mariesteller



Tikom pa rin ang bibig ng singer-aktor na si Iñigo Pascual sa mga isyu tungkol sa ex-girlfriend niyang si Maris Racal. 


Kamakailan lang kasi ay nag-viral ang picture ni Maris na may kasamang AFAM sa airport na sinasabing bagong boyfriend nito.


Bigo ang ilang taga-media na makunan ng reaksiyon ang aktor-singer sa ginanap na Thanksgiving Party ng TV5 last Monday.


Ilang taon na rin kasi ang lumipas since nag-break sina Iñigo at Maris, kaya wala rin naman siyang puwedeng i-react sa success and failure ng personal and professional life ng aktres.


Focused si Iñigo ngayon sa papalapit na airing ng kauna-unahang serye niya sa Kapatid Network, ang The Good Doctor (TGD).


“Eto na ‘yun and I’m very, very excited,” nakangiting pahayag niya.

Napanood namin ang US version ng TGD, kung saan napakahusay ng aktor na gumanap sa role na gagampanan ni Iñigo sa Pinoy version.


Siya si Freddie Highmore, sa serye ay isa siyang young autistic surgeon na may savant syndrome (genius-level abilities).


Well, si Janella Salvador ang kasama ni Iñigo sa serye. Kumare raw niya ito, kaya malabo na magkaroon ng something romantic sa kanilang dalawa.

‘Yun na!





Kanta, ginamit na nang walang permiso, binu-bully pa… MIKE HANOPOL, NAGPASAKLOLO SA NBI 



NAGSUMBONG ang legendary folk and rock singer na si Mike Hanopol sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division noong Miyerkules, Nobyembre 11. 


Inireklamo ng dating member ng sikat na Pinoy rock band na Juan dela Cruz ang isang netizen na nambu-bully sa kanya online at ang ‘di awtorisadong paggamit ng kanyang mga kanta.


Tatlong buwan na raw na binu-bully at inaatake si Mike online gamit ang iba’t ibang social media accounts.


Pahayag ni Mike sa news, “Una, nagpapasalamat pa s’ya, ganu’n. Nagbibigay s’ya ng mga konting-konti, alam mo na, barya. Okay lang, ‘di ba? Pero ‘di pala ‘yun, kinakalaban ako, ako na kalaban n’ya, eh.”


Tungkol naman sa paggamit ng kanyang mga kanta, marami raw ang gumagamit nito, pero may respeto sila.


“Ito, walang respeto,” diin pa ni Mike.


Kasama ni Mike na pumunta sa NBI ang member ng Hagibis na si Pete Gatela.

“I-respect natin ‘yung composer ng kanta. Tapos, bu-bully-hin pa natin sa ganitong edad (80)? Pambabalahura, walang kahiyaan na ‘yun,” sabi ni Pete.


Ayon sa NBI director na si Melvin Matibag, nag-file ng reklamo si Mike for Violation of Cybercrime Law and Intellectual Property Rights. Kaya naman, iimbestigahan ito ng NBI Cybercrime Division.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page