Anak nila ni Chiz, nawala na naman… HEART, TANGGAP NA PANG-MODEL AT ‘DI PANG-MOMMY
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 18, 2024

Hanggang ngayon ay dinaramdam pa rin ni Heart Evangelista ang pagkawala ng kanilang pangalawang anak sana ni Sen. Chiz Escudero. Pareho nila itong iniyakan at pinanghinayangan. Matagal bago nila natanggap na hindi ibinigay sa kanila ang pangarap nilang baby.
Naging emosyonal si Heart sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan ang tungkol sa kanyang nawalang baby girl ang pinag-usapan. Tanging naisip na lang ni Heart ay baka hindi pa talaga panahon upang maging ganap siyang mommy. Maaaring may ibang plano ang tadhana para sa kanya tulad ng pagkakaroon ng career sa fashion world.
Kung naging mommy na si Heart, tiyak na rito na niya ibubuhos ang kanyang panahon at ‘di na siya dadalo sa mga fashion events sa Paris, New York at Milan.
Puwede rin namang ‘di na sana siya nagkaroon ng oportunidad na makilala abroad bilang isang fashion icon.





Comments