top of page
Robin Padilla - Senate PH 2.jpg

Anak ni Sharon, sinopla… HIRIT NG NETIZENS: FRANKIE, FEELING MAGANDA KASI NAKATSAMBA NG GUWAPO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 6, 2026



BIDA - HIRIT NG NETIZENS FRANKIE, FEELING MAGANDA KASI NAKATSAMBA NG GUWAPO-IG _frankiepangilinan

Photo: IG @frankiepangilinan




‘Kaaliw ang birthday greetings ni Frankie Pangilinan sa rumored boyfriend niyang si Daniel Laurel. 


Post nito: “Happy birthday to the rumored boyfriend of Frankie Pangilinan.”

Sinundan iyon ng birthday greetings ni Sharon Cuneta na: “Happy Birthday to the alleged boyfriend of my 2nd baby! Love you!”


Sinakyan ng mga netizens ang birthday greetings ni Frankie at tinawag ding ‘rumored boyfriend’ si Daniel. 

Ilan sa mga comments…


“The kind of guwapo you deserve.” 

“Super-feeling (na maganda) kasi chamba ng guwapo.” 

“Wow! Hottie and cute, bagay na bagay.”


Pabor ang mga netizens sa boyfriend ni Frankie Pangilinan at sana raw ay  dagdagan pa nila ang ayuda para matuwa ang kanilang mga shippers.





Going strong daw ang relasyon nila…

AIKO: ONEMIG TREATS ME WELL



Ang ganda ng eksena after ng launching ng Star Worx ng TV5 nang magyakapan ang mag-inang Aiko Melendez at Marthena Jickain. Isa si Marthena sa 16 Star Worx talents na ini-launch. 


Ang tagal ng yakapan ng mag-ina at maririnig ang kanilang pag-uusap na may kasamang masayang tawanan.


Present nga si QC Councilor Aiko sa launching ng Star Worx at kinorek na naroon siya hindi bilang stage mother. 


“I’m not a stage mom, I am a supportive mother,” paglilinaw ni Aiko.


Si Aiko ang tiningnan namin habang nagpe-perform si Marthena at mga kasamang Star Worx talents at makikitang masaya ito para sa anak. 


“Naluha ako sa tuwa. I’m very proud of her at nakasuporta lang kami ni Mommy (Elsie, her mom) at si Andre (Yllana, Marthena’s brother). Sobrang proud ako sa kanya,” sabi ni Aiko.


Makikita ring tuluy-tuloy ang pagkuha ng video ni Aiko kay Marthena at mga kasama nito. Hindi siya makapaniwala na napapanood na sumasayaw ang anak na isa lang pala sa mga talents nito. 


Marthena is into singing, plays the guitar at volleyball player din.

Hindi makikialam si Aiko sa career ng anak. Ang Star Worx at ang manager nitong si Edwin Tan ang bahala. Pati ang gusto ni Marthena na gumawa ng rom-com ay okay sa kanya. 


Ayaw niyang ma-pressure ang anak at alam niyang babagay ito sa rom-com.


May nakalatag na project ang Star Worx at TV5 kay Marthena, bawal pa lang sabihin. 

Natutuwa rin si Aiko dahil kaya ng anak na pagsabayin ang studies at showbiz. Enrolled sa Ateneo de Manila University ang 19-year-old daughter niya at second year sa kursong AB Developmental Studies.


Samantala, going strong ang relasyon nina Aiko at Onemig Bondoc. Sa tanong kung kailan ang kasal, si Onemig na lang daw ang tanungin. 


Sa tanong kung paano niya ide-describe si Onemig in one word, “He is my everything. Because he treats me well,” sagot ni Aiko Melendez.





Kahit saan magpunta, sinusundan…

NADINE AT ALDEN, PINAGKAGULUHAN SA SIARGAO



Pinagkakaguluhan sina Nadine Lustre at Alden Richards na nasa Siargao ngayon para sa taping ng Love, Siargao (LS)


Kahit halos based na sa Siargao si Nadine, pinagkakaguluhan pa rin siya, lalo na’t kasama si Alden na minsan lang makabisita sa nasabing lugar.


Kahit saan magpunta, sinusundan ang dalawa at kahit sabihing bawal ang spoiler, hindi maiwasang may mag-upload ng taping nina Alden at Nadine. 

Mabuti na lang at hindi pa nababanggit kung ano ang kinukunang eksena. Happy lang ang mga fans na kunan sila ng photos at videos.


Hindi love team sina Alden at Nadine at ngayon pa lang sila nagtambal. Nagulat lang ang mga fans dahil may chemistry sila. Hindi na raw nahirapan ang mga directors na ilabas ang kanilang chemistry dahil kusang lumabas.


Magaling na sa surfing si Nadine sa pamamalagi niya sa Siargao at ang wish ng mga fans ni Alden, turuan siya ng aktres mag-surf para may dagdag siyang sport. 


Hindi man si Nadine, puwedeng magpaturo si Alden sa mga taga-Siargao.

Wala pang announcement kung kailan ang streaming ng Love, Siargao sa Viu dahil tatapusin muna ang buong series bago ang streaming at airing sa GMA-7. 


Wish din ng mga fans, pagkatapos ng series, gumawa ng pelikula sina Alden Richards at Nadine Lustre para lubos ang kanilang pagtatambal.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page