Anak ni Sen. Villar na si Camille binasted ang alok na maging deputy speaker sa panahon ni Velasco!
- BULGAR

- Nov 23, 2020
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | November 23, 2020
Sinibak ni Speaker Lord Allan Velasco ang mga dinatnan niyang deputy speaker sa panahon ni Rep. Peter Alan Cayetano.
Watak-watak ngayon ang mga kongresista!
◘◘◘
Hindi nasunod ang pangako ni Velasco na siya ay magiging “unifying leader”.
Dahil d’yan, maugong ang ulat na delikado siyang mapalitan ni Majority leader Martin Romualdez.
Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
Batay sa kasunduan na pinagitnaan ni P-Duterte na “15-21 deal”, hindi papalitan ang 22 deputy speakers ng magkabilang kampo.
Ibig sabihin, malinaw na nabruka na ang kasunduan.
Kumbaga sa pusoy dos, “no deal”!
◘◘◘
Unang nasibak si Rep. LRay Villafuerte na siyang utak at awtor ng Bayanihan Act 1 at Bayanihan Act 2.
Malahuramentadong pinagsisibak din sina Rep. Dan Fernandez; Rep. Raneo Abu; Fredenil Castro at Rep. Ron Salo sa kani-kanyang posisyon!
◘◘◘
Maging si Romualdez ay delikadong mapalitan bilang majority leader dahil matagal nang kursunada ito ni Rep. Mikee Romero.
Naipuwesto naman agad ang mga kaalyado ni Velasco na sina Rep. Lito Atienza, Rep, Rufus Rodriguez, Rep. Joey Salceda at Rep. Eric Yap.
◘◘◘
Huwag ka, inalok ang anak ni Sen. Cynthia Villar na si Camille Villar bilang deputy speaker pero tinanggihan ito.
Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Velasco hinggil sa pagbasted ni Camille!
◘◘◘
Nararapat lang na bigyan ng sapat na badyet ang DSWD, AFP, PNP at DOH upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga biktima.
Mahalagang ibunsod ang diwa ng “Bayanihan” upang mabilis na makabangon sa anumang krisis tulad ng COVID-19 at kalamidad!




Comments