Anak ni Pacquiao, chickboy din… EMAN, ‘DI UMUBRA KAY JILLIAN, KAY ANDREA NAMAN
- BULGAR

- 9 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 26, 2026

Photo: Instagram / Eman Bacosa Pacquiao
Marami ang naguguluhan ngayon kay Eman Bacosa Pacquiao kung sino talaga ang type niyang artista.
Noong una, very vocal siya sa pagsasabing crush niya ang Kapuso Princess na si Jillian Ward kaya madalas silang nakikita na magkasama sa mga showbiz events. Pinanood pa ng aktres ang laban niya sa boxing kamakailan.
Pero nang mukhang hindi siya umubra kay Jillian na balitang ang totoong gusto ay ang Kapuso actor na si Raheel Bhyria, may lumabas sa social media na isang interview kay Eman at sinabi niyang crush niya si Andrea Brillantes. Kaya nalilito ang kanyang mga fans, ano raw ba talaga ang gustong mangyari ni Eman?
Baka naman magkaroon siya ng image na chickboy at ma-turn-off sa kanya ang mga fans?
Samantala, si Jillian Ward ay hindi prayoridad ang kanyang love life. Abala siya ngayon sa pagko-compose ng mga awitin. Kalo-launch lang ng kanyang bagong single, ang Pumapag-ibig, na kanyang ipino-promote.
Bukod sa pag-arte, gusto rin ni Jillian na mahasa ang kanyang pagiging singer at dancer.
NAGULAT kami sa dami ng taong nanood sa premiere night ng pelikulang I Fell… It’s Fine (IFIF) na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.
All-out support din ang mga Kapuso stars at dumating sa premiere night tulad nina Bianca Umali, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Michelle Dee, Kokoy de Santos at Buboy Villar.
Ang cute at nakakakilig ang mga eksena nina Glaiza at Rhian sa movie. Ang lakas ng kanilang chemistry sa kanilang mga karakter bilang sina Anne (Glaiza) at Chicks (Rhian) na may lesbian relationship.
Napuno ng hiyawan ng mga fans ang premiere night ng IFIF at ang kanilang mga karakter sa Sang’gre ang isinisigaw ng lahat tuwing lalabas sa big screen sina Glaiza at Rhian.
Pansin din namin ang mainit na pagtanggap ng mga fans kay Rhian Ramos at nakalimutan na ang isyu niya kay Sam Verzosa at sa nagrereklamong driver niya. Hindi ito nakaapekto sa kanyang career.
Ang kuwento ng IFIF ay naglalarawan sa relasyon ng mga lesbian sa ating lipunan na hindi pa ganap na matanggap. Kaya magkakaroon ng awareness ang mga moviegoers sa kakaibang love story ng LGBTQIA+ community.
Mahusay ang direktor na si Sigrid Andrea Bernardo. It’s a must watch movie na showing on April 4.
Puro sablay sa mga ex…
VINA NAINIP NA, TODO-DASAL KAY LORD NA IBIGAY NA ANG ‘THE ONE’
CHOOSY ba si Vina Morales kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nag-aasawa at nananatiling single pa rin?
Maganda naman siya at maraming nanligaw sa kanya noon. Nagkaroon ang aktres ng ilang karelasyong aktor pero hindi nauwi sa pagpapakasal.
Nagkaroon siya ng anak sa isang controversial non-showbiz guy pero hindi nagtagal ang kanilang pagsasama.
Inamin din ni Vina ang kanilang short-lived romance ni Robin Padilla.
Gayunpaman, naging mailap sa kanya ang tunay na pag-ibig kaya sa kanyang career na lang ibinuhos ni Vina ang kanyang panahon. Madalas siyang mag-show sa USA at iba’t ibang bansa.
Kapag nasa Pilipinas ay tumatanggap siya ng mga shows at TV guestings. Kasama siya ngayon sa upcoming musical seryeng Born to Shine (BTS) ng GMA-7 kasama sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner at Roselle Nava.
Kapag nagkikita sila ng kanyang mga kasabayang artista, lagi na lang tinatanong kung kailan siya mag-aasawa.
Aminado si Vina na naiinip na rin siya sa kanyang pagiging single kaya minsan ay nasasabi na lang niyang, “Ang tagal naman, Lord. Ibigay mo na ang aking ‘the one.’”
AYON kay Benjie Paras, hindi naniniwala sa kasal ang kanyang mga anak na sina Kobe Paras at Andre Paras. Kaya kahit na may karelasyon na ang mga ito, wala raw balak na magpakasal.
Na-trauma umano ang kanyang mga anak sa paghihiwalay nila ni Jackie Forster. At kahit na ipinaliwanag na niya na hindi lahat ng nagpapakasal ay naghihiwalay, ayaw pa rin ng kanyang mga anak na pumasok sa pagpapakasal. Kaya nirerespeto na lang niya kung anuman ang desisyon nina Kobe at Andre.
Dapat ay aware ang sinumang makakarelasyon nina Kobe at Andre Paras na hindi sila mapapakasalan, kahit na mahal na mahal sila ng mga anak ni Benjie Paras. Baka naman pag nag-mature na sina Kobe at Andre at makatagpo ng kanilang true love ay magbago pa ang kanilang paniniwala sa marriage.




Comments