top of page
Search
  • BULGAR

ANAK NI OGIE, DAMAY DAHIL SA DEMANDA SA KANYA NI BEA

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 8, 2024



File photo showbiz
File photo: Bea Alonzo at Ogie Diaz

“Jusko! Kung alam n’yo lang abut-abot ang bash sa amin, ha, ha, ha!” ito ang tumatawang bungad ni Ogie Diaz sa simula ng vlog nilang Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh na in-upload nu’ng isang gabi sa YouTube channel.


Habang sinasabi ito ni Ogie ay ipinakikita naman ang mga headlines ng iba’t ibang pahayagan at online websites na ang ang titulo ay Bea idinemanda sina Ogie Diaz at Cristy Fermin. 


Nasambit din ni Ogie na ang mga regular na nanonood sa kanilang vlog ang mismong nagtatanggol na sa kanila.


“Kilalang-kilala nila tayo at nababasa po namin iyon, maraming-maraming salamat po. At sa mga hindi namin napi-please ay mayroon silang konklusyon tungkol sa mga nagaganap sa mga nakaraang araw at kami ay binebembang nila at sinasaktan kami emotionally, maraming-maraming salamat din po,” say pa ni Ogie.


Dagdag pa, “Siyempre, this is a free country. Hindi porke’t pinuri kami, eh, hindi na kami makikinig sa mga namba-bash sa amin. Nababasa rin po namin ‘yan, nagkataon lang na hindi ko sinasagot ‘yang mga ‘yan, (dahil) bina-block ko lang naman sila lalo na kung nagme-message sila sa akin ng masasakit lalo na kung bahagi lamang ng trabaho namin.”


Sa sandaling ini-record nila ang vlog na ito ay hindi pa rin daw nakukuha nina Ogie ang kopya ng dokumento kaya wala silang alam kung ano ang reklamo sa kanila ni Bea Alonzo. 


At binanggit na kumuha rin ng abogado ang grupo nila para ipagtanggol ang kanilang mga sarili at ipinagdiinan pa ng host na hindi siya galit kay Bea Alonzo at karapatan daw nitong magdemanda. 


Aniya, “Kung feeling niya (Bea), eh, nasaktan natin siya, karapatan niya ‘yun. In the same way na siyempre, kailangan din naming idepensa ‘yung aming sarili at ipaglaban kung ano ‘yung para sa amin. “Kasi hindi naman ho iyan ngayon lang nangyayari, ‘yung ganyan sa amin, lalo na sa aming propesyon.


“Noong araw na wala pang vlogs-vlogs, dyusko ‘no, kahit ako reporter noong araw, nakakatikim pa rin naman ako ng mga reklamo, mga demanda, ‘yang libel, pero napagtatagumpayan naman natin. 


“Basta ang importante dito, eh, kilala n’yo kami. Ayaw na naming magbuhat ng bangko at isa-isahin ‘yung mga nagagawa naming kabutihan at kabayanihan para sa mga artista, lalo na ‘yung mga nagpo-promote dito.”


Hirit ni Mama Loi, “At saka ‘yung mga nagba-bash din po, kalma lang po kayo, hindi pa nga po natin alam pare-pareho kung ano ba ‘yung (demanda), pero ‘yung iba kung maka-comment, parang alam na alam na nila kung ano ‘yung inirereklamo, tapos jinudge na agad na may kasalanan tayo.” Naikuwento rin ni Ogie na ‘yung kaklase ng anak niya ay nasabihan ang anak niya ng, “‘Uy, ‘yung daddy mo, idinemanda,’ ganyan-ganyan.


“Isa lang sinasabi ko sa mga anak ko, ‘Bahagi lang ‘yan ng trabaho ng daddy.’ Kapag nagsulat ka o nag-vlog ka, ayan ‘yung mga puwedeng dumating sa buhay ng daddy n’yo.


“Ang importante, sabihin n’yo na lang sa kanila, ‘Daddy cannot please everybody.’


“Buti nga, ganyan-ganyan lang ang dumarating sa atin. Hindi ‘yung idinedemanda tayo kasi hindi tayo nagbayad ng utang. Idinemanda tayo kasi nanloko tayo. Idinemanda tayo kasi nagbenta tayo ng illegal drugs.


“Idinemanda tayo kasi nagnakaw tayo, walang mga ganyan. Kaya ayan na lang po ang ipinagpapasalamat namin. Kaakibat lang ng aming trabaho ‘yung dumating na pagsubok,” pahayag ni Ogie.


Saka nagbalik-tanaw na nu’ng ibalita ng Showbiz Update na hiwalay na ang KathNiel ay halos isumpa sila at sinabihan pa sila ng fake news na nag-trending ang hashtag na #FakeNewsPeddlerOgieDiaz 


“Tapos ‘yung umamin ‘yung dalawa, nagkaroon ng statement na totoong split na sila, biglang, ‘Si Ogie Diaz lang ang sakalam, kay Ogie Diaz lang kami maniniwala, patron ng hiwalayan,’ mga ganyan, bumibilib sila. 


“Tapos ngayong nademanda, pak, nasa’n na kayo, ‘di ba, mga Marites kayo? Ngayon, halos idukdok n’yo na ang mga mukha namin sa putikan. 


“Pero normal lang ‘yan. Ang lagi nga naming sinasabi dito, na kapag wala na kaming bashers, eh, hindi na kami relevant. Basta tuloy lang ang aming pagdepensa sa aming case,” say pa ni Ogie. 


At tungkol naman sa pag-repost ni Liza Soberano na dating alaga ni Ogie sa balitang demanda ni Bea, “Nakita ko nga ‘yun. Marami ring nag-send sa ‘kin ng screenshots ng pag-repost ni Liza Soberano. Sa ‘kin, walang problema ‘yun. Okay lang. Twitter account niya ‘yun, eh. Karapatan niya ‘yun,” kaswal nitong sabi. 


Sabi pa, “Alam namin ni Liza kung ano ang truth sa amin. Kapag may maling nasabi si Liza, kino-correct ko lagi. 


“Hindi naman ako nagtatampo. Hindi ko alam kung siya, nagtatampo sa ‘kin or whatever.


Kasi naghiwalay kami nang maayos. 


“Ang ipinagdadasal ko lang na sana, makuha niya ang goal sa Hollywood.”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page