Anak ni Kris, habang nasa 'Pinas… BOY, TUMAYONG MAGULANG NI BIMBY
ni Nitz Miralles @Bida | July 9, 2023

Nilinaw ni Boy Abunda ang story behind sa larawan ni Bimby Aquino na nai-post
kasama siya at ilang executives ng Cornerstone Entertainment.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, nabanggit ni Boy na siya ang nag-host ng private dinner at sa dinner na ‘yun, nagkaroon sila ng “exploratory meeting” para sa posibleng pagpasok ni Bimby sa showbiz.
Ani Boy, “Doon sa pag-uusap namin, we were trying to explore kung ano ang mga puwedeng mangyari, the possibilities. Puwede bang mag-artista si Bimb? Ano ba ang aming gagawin?
But it was more of an exploratory meeting.”
Si Boy ang tumatayong guardian ni Bimby sa nasabing meeting at may basbas ito ni Kris Aquino na mom ng bagets.
Nangako si Boy na magbibigay siya ng update sa naganap na “exploratory meeting.” Sa ngayon, balik-Amerika si Bimby kasama ang kuya niyang si Josh.





Comments