top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Anak ni John Lloyd kay Ellen… ELIAS, "PAPA" ANG TAWAG KAY DEREK

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 25, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 25, 2022



Wala nang planong magbalik-showbiz si Ellen Adarna.


Aniya sa isang panayam, "My son is my priority."


Nag-e-enjoy daw siya na laging ka-bonding ang anak na si Elias, who is four years old na.


Si Elias ay anak ni Ellen sa actor na si John Lloyd Cruz, pero co-parenting relationship na lang ang namamagitan sa kanilang dalawa.


Esplika ni Ellen, "We co-parent. Not naman half of the time, because of course, most of the time he’s with me. But in a month, he (JLC) has 13 days with him. He should have good relationship with him."


As a mother, mahirap at nakakapagod din daw, pero priceless naman lalo pa't nakikita niya ang kakulitan ng anak. Happiness daw sa kanya 'yun dahil in the end ay maglalambing na raw si Elias kapag napagod na.


Binigyan din daw niya ang mister na si Derek Ramsay ng karapatan to do his job as a father. Ang tawag nga raw ni Elias sa aktor ay "Papa D".


Nag-e-enjoy daw ang bagets kapag isinasama siya ni Derek sa active lifestyle nito at outdoor games.


Sey ng Bisayang aktres, "Hindi ako marunong makipaglaro sa boys. Sana girl para make-up and like that. I can only do the nurturing, bathe him, but the playtime, that’s Derek’s job."


Matapos ipanganak ni Ellen si Elias, inamin niyang nagpalagay siya ng IUD sa kanyang uterus para hindi na uli magkaanak.


Ngayong may plano na raw sila ni Derek, kinakailangang tanggalin para magka-baby na sila ng aktor.


Sambit niya, "I have to have it removed during my period. Only when I have my period.


Timing, every time I have my period, I’m traveling or there’s work. Parang wala pa. Next month, I have to take care of him or something. Depende sa timing, kung may timing lang talaga, ipatatanggal ko na."


Plano raw nila na sana ay ngayong taon, pero nagbago ang plano nang makita nila ang calendar next year.


"He’s a dragon. I am a dragon. And if I give birth in 2024, that’s a dragon. Sa Intsik, wala nang mas susuwerte pa if you have three dragons in your house."


Una nang ipinaalis ni Ellen ang kanyang breast implant.


Esplika niya, "When I had it, I enjoyed it. I was young, I was insecure."


Ang laki na talaga ng ipinagbago ni Ellen magmula nang ikinasal siya kay Derek.


Imagine, kahit knows niyang maraming magba-bash sa kanya dahil sa pamemeke niya sa kanyang boobs, wah' siya care.


Isa kasi sa mga assets ni Ellen ay ang kanyang boobey na sa pagkakaalam lalo na ng mga kalalakihan ay natural kaya ganu'n na lang siya kung pagpantasyahan noon ng mga ito.


Ngayon ay IUD naman ang ipatatanggal ni Ellen para magkaroon na sila ng anak ni Derek.


Hindi kaya sa ibinulgar ni Ellen ay magkaroon ng idea ang mga young actress na may dyowa na pero not ready pang magka-baby?


Wala lang, naisip lang po namin na baka magkaroon ng ganitong scenario.


Sey naman ng isang netizen, "Ano naman kaya ang isusunod na ipapatanggal ni Ellen na naka implant sa kanyang katawan?"



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page