ANAK NI ANGELICA, NI AYAW HARAPIN NG PADIR
- BULGAR
- Jul 25, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 25, 2023

Pahinga muna sa pulitika ang dating sexy comedienne at tinaguriang Miss Flawless na si Angelica Jones. Nagbabalik-showbiz siya ngayon via the movie Magic Hurts kung saan ay gagampanan niya ang papel bilang ina ng young actor na si Beaver Magtalas.
Sa mediacon na ginanap para sa nasabing pelikula last Saturday ay hindi napigilang maging emosyonal ni Angelica nang mapag-usapan ang non-showbiz father ng kanyang 10-year-old son na si Angelo.
Inamin niyang may pinagdaraanan siya ngayon sa ama ni Angelo matapos nitong tumanggi na harapin ang kanilang anak kamakailan.
“Hindi kami okay, and may pinagdaraanan kami ngayon dahil after 10 years, hindi pa rin niya hinaharap ang anak ko. Moral support, financial support.
“As a single mom, lahat, titiisin ko para sa anak ko. Gagawin ko lahat para sa anak ko. I work hard, and I’m strong for my son.
“Pero mas nakakadurog pala sa isang nanay kapag nakikita mo ‘yung anak mo na… After 10 years, excited ‘yung anak ko na makita ‘yung tatay niya, mapirmahan ‘yung birth certificate, mapirmahan ‘yung mga documents para lang makapag-abroad, tapos, hindi mo haharapin ang anak mo? ‘Di ba, masakit?” pagbabahagi ni Angelica.
Kasama ni Angelica sa mediacon ang kanyang anak and in fairness ay guwapo rin at puwede ring mag-artista.
Hopefully ay maayos ni Angelica at ng ama ng kanyang anak ang problemang ito, pero ang maganda naman daw sa kanyang anak ay open-minded ito at matalino.
Anyway, matapos manilbihan ni Angelica bilang bokal sa Laguna, ngayon ay timeout na muna siya sa politics at nami-miss daw niya ang showbiz kaya tinanggap niya ang pelikulang Magic Hurts.
One thing na nakapukaw daw sa kanyang interes sa movie ay ang magandang istorya nito, gayundin ang kanyang role.
“Kung sa mga dati kong proyekto ay nakikita n’yo ako na nagpapatawa, this time ay heavy drama naman ang gagawin ko,” aniya.
Comments