Anak ng produ, nagsalita na… TVJ, 'DI TOTOONG PAPALITAN SA EAT BULAGA!
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 9, 2023

May mensahe sa publiko si Bullet Jalosjos, isa sa mga anak ni Romeo Jalosjos na producer ng Eat… Bulaga!, patungkol sa isyu ngayon ng noontime show.
“Not true” ang kanyang sagot sa isyu na papalitan na sina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon (TVJ).
May isa pa umanong isyu na ‘di raw nasusuwelduhan ang mga hosts ng EB!, pati ang production staff. At ang chika pa raw ay na-mismanage ang finances ng EB! kaya’t nagkaproblema sa pera.
Isang bagay na hindi kapani-paniwala dahil malalaking produkto ang pumapasok bilang sponsors ng Eat… Bulaga!.
May ilang nagsasabing bago pa magka-pandemic ay may mga isyu na ito ngunit ngayon lang lumabas sa publiko dahil hindi na magawang itago.
May ilang posters ding naglalabasan na Wow Bulaga! na raw ang titulo ng programa at wala na sa poster ang TVJ.





Comments