ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 28, 2024
Binati lang ni Dennis Padilla ang anak na si Claudia Barretto sa kaarawan nito noong July 26 (Biyernes), na-bash na naman ng ilang netizens si Marjorie Barretto sa pagiging ina nito.
Nag-post si Dennis sa Instagram ng picture ni Claudia at isa pang picture niya na may hawak na papel na ang nakasulat ay:
“July 26/24
“Dearest Claui,
“Happy 25th bday anak! We love you. Praying for more blessings!!!
“(Heart sign) Papa”
Sa comments section, mababasa ang opinyon ng isang netizen na… “Mga anak na walang puso sa ama. My gosh ako nasasaktan para sa tatay nila. Kulang na lang lumuhod siguro para lang pansinin nila.”
Meron namang ikinumpara ang klase ng pagpapalaki nina Sunshine Cruz at Ruffa Gutierrez sa kanilang mga anak kay Marjorie.
Kahit daw kasi nakahiwalay din nina Sunshine at Ruffa ang kani-kanyang tatay ng kanilang mga anak, hindi nagtanim ng galit ang mga bata sa kanilang ama at maganda ang relasyon ng mga ito, kumpara nga sa trato kay Dennis ng mga anak niya kay Marjorie.
Ang lupeeet naman ng komento ng isang netizen na, “Kagagawan ni Marjorie ‘yan. Bad mouthing sa ama in front of the kids. Si Marjorie ang the most ungrateful person in the world. Ano pa ba isinukli niya kay Claudine na pinalamon siya ng maraming taon at kay Gretchen na sinustentuhan din siya. Tsk tsk tsk…Kaya mga anak eh…”
At may nakisawsaw pa na ang sabi naman, “Kung walang utang na loob ang ina, ganu'n din ang mga anak.”
Luh, parang close sila ni Marjorie para akusahan nila nang ganu'n, ah?.
In fairness, sa previous interview namin kay Dennis Padilla few months ago na mapapanood ang video sa BULGAR TV YouTube Channel, pinuri nito ang pagpapalaki ni Marjorie sa kanilang mga anak.
Kaya siguro naman, hindi na kailangang mag-explain ng mommy nina Julia, Claudia at Leon kung ano'ng klaseng ina siya.
Ipinost habang nasa ospital pa… DIANNE, NAGPAGUPIT AFTER MANGANAK, BINALAAN SA BINAT
And speaking of pagiging mommy, kapapanganak pa lang ni Dianne Medina sa 2nd baby nila ng mister na aktor-dancer na si Rodjun Cruz, at in fact, naka-hospital gown pa nga ang TV host, nagpagupit na ito ng buhok.
Sa video na ipinost ni Dianne sa kanyang IG account, habang nakaupo sa loob ng kanyang hospital room ay nagpapagupit ang TV host.
Caption niya rito, “3rd day today after my CS operation. Buti na lang may haircut services near St. Luke's hahaha kahit manas maganda ang hair hahahah.
“Thank you Lord.”
May ilang concerned netizens ang nagpaalala kay Dianne na baka mabinat siya sa pagpapagupit ng buhok gayung kapapanganak nga lang niya.
Takang-taka naman ang misis ni Rodjun kung ano'ng kinalaman nu'n at bakit siya mabibinat kaya nag-reply siya sa mga nagkomento, na in fairness, magalang pa rin ang tanong niya.
Well, matandang kasabihan kasi ‘yan na parte na ng kulturang Pinoy, pero at the end of the day, na kay Dianne pa rin naman ‘yan kung susundin niya o hindi.
留言