top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

"Anak" na pang-welcome song ng China, pinag-isipang maigi — PBBM

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 21, 2026



Bongbong Marcos sa China

Photo: PCO



Walang nakitang masama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapatugtog ng kantang “Anak” ni Freddie Aguilar bilang salubong sa kanya sa APEC sa Shenzhen, China.


Sa halip, itinuring ito ng Pangulo na magandang pagpili at pagpapakita ng paggalang ng China sa musika at kulturang Pilipino.


Ayon kay Marcos, masyado lamang binibigyan ng ibang kahulugan ng ilang netizen ang awitin, na tungkol sa isang anak na naligaw ng landas at nalulong sa bisyo.


Binigyang-diin niyang isa ang “Anak” sa pinakasikat na awiting Pilipino sa buong mundo at naisalin na sa 51 wika.


"So, talagang parang they were playing tribute to our musical tradition and musical culture," ani PBBM.


"I thought it was a very, very nice gesture from the Chinese na pinag-isipan nila ng ganoon, ganoon kalalim nila pinag-isipan," dagdag pa nito.


Nilinaw din ng Pangulo na pinatugtog ang “Anak” sa kanyang pagpasok, habang ang “Leron, Leron Sinta” naman ay tinugtog sa mismong hapunan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page