Anak na-bash, nepo baby lang daw kaya naging bida… AGA, MALAKI ANG TIWALA KAY ATASHA, NINERBIYOS KAY ANDRES

ni Nitz Miralles @Bida | September 21, 2026

Photo: IG _aagupy & _agamuhlach
Nakangiti si Aga Muhlach throughout his interview pagkatapos ng opening ng Bongga Ka ‘Day: Annie Batungbakal Musical, kung saan ang anak nila ni Charlene Gonzalez na si Atasha ang gumanap na Annie Batungbakal.
“I know Atasha! Kay Andres ninerbiyos ako,” sabi ni Aga sa isang panayam.
“Alam n’ya ‘to, she knows this. I know her so well. Kaya I’ve been quiet the whole time when she was being attacked nu’ng una,” ayon pa sa aktor.
Sa tanong kung nasaktan siya para sa anak, “Oo” ang sagot ni Aga, pero hindi raw niya binabasa ang mga panlalait at pamba-bash kay Atasha.
“Sinabi lang sa ‘kin. And then I saw my daughter, I know what she went through sa house, sa bahay namin, and sabi ko, ‘Ganyan talaga, ‘pag may malaking proyekto, kaiinggitan ka, ‘di nawawala sa industriya ‘yan, ‘di nawawala sa mundo ‘yan, ‘pag may magandang nangyayari sa isang tao. ‘Di karamihan, ah, konti lang ‘to na hihilahin ka pababa,” dagdag pa ni Aga.
After the show, kabilang sina Aga at Charlene sa mga nag-standing ovation, pumalakpak at nakisayaw kasama ang cast sa stage. Ang ganda ng ngiti ng parents ni Atasha sa ipinakitang husay ng kanilang anak.
Well, inunahan kasi ng pamba-bash ng iba, pero kung napanood nila si Atasha sa opening ng musical, papalakpak ka dahil mahusay siya. Mapa-sayaw, kanta at sa delivery ng kanyang lines, she did good at gaya ng ipinangako nito, nawala ang kanyang British accent.
Nagsabi rin nang totoo si John Lapus na magaling si Atasha at hintayin na mapanood ito bago akusahan na ‘nepo baby’ kaya napili sa role bilang si Annie Batungbakal.
Well, sana nga, magbago ang pananaw ng mga bashers ni Atasha dahil karamihan sa kanila, hindi kayang gawin ang performance nito sa musical.
SHUVEE, UMAMING SIYA ANG UNA
NG NAGPARAMDAM KAY ANTHONY
MARAMI ang matutuwa kapag in-announce nina Shuvee Etrata at Anthony Constantino na sila na. Marami ang pabor na maging couple silang dalawa at kahit celebrity friends, natutuwa at kinikilig sa kanila.
Isa pang nakakatuwa sa kanilang relasyon, may kasamang comedy. May mga nagtatanong nga kay Shuvee kung bakit hindi pa niya sinasagot si Anthony na matagal na ring nanliligaw sa kanya.
Sa isang interview, inamin ni Shuvee na siya ang unang nag-reach out kay Anthony at tinawag niya itong “Hi, pogi!”
Sinagot naman siya nito ng “Hi, Ganda!” at doon na nagsimula ang almost in a relationship nila.
Sa isang post, sabi ni Anthony, “To the girl who keeps showing up for her dreams, her family, and herself – even on days when she’s tired, I hope you know how inspiring that is.
“I’ve seen how much heart you put into everything you do, and I’m proud of you, Shuvee. God took His time with you and really does show. You deserve every good thing that comes your way.
“Keep going. You’re doing better than you think.”
Sa sobrang kilig ni Shuvee sa post ni Anthony, ang nasabi lang niya ay “Luh!” at kinantiyawan na siya ng kanyang friends. Tiyak daw na kinilig siya, kaya sagutin na niya si Anthony.
“IDEA ni Boss Vic” ang sagot ni Valerie del Rosario nang tanungin namin sa mediacon kung sino ang nakaisip ng app na Vivaoke.
Sa app na ito, hindi lang puwede ka nang mag-karaoke kahit nasaan. Puwede mo ring i-record ang golden voice mo at directly i-share sa socmed (social media). Ang maganda pa sa app, makakatulong ito para ma-highlight ang OPM music.
Masaya ang mediacon at launching na rin ng bagong Pinoy videoke app dahil dumating ang ilang Viva Music artists at kumanta. Kabilang sina Ashtine Olviga, Aubrey Caraan, Carlo Guevarra at Amiel Sol. Pati nga press people, nag-karaoke rin.





Comments