Anak, may mental health problem daw… GARY V., KUMANTA NA MUNTIK TUMALON NG CONDO SI GAB
- BULGAR

- 5 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 23, 2026

Photo: FB Circulated
Sa isang interview sa The Daily Dish (TDD) ng Bilyonaryo News Channel (BNC), binalikan ni Gary Valenciano ang battle ng anak na si Gab Valenciano sa mental health issue.
Sabi ni Gary, Gab was diagnosed with bipolar disorder at may mental issue pa.
There was a time raw na he carried Gab on his back mula sa condo unit, elevator at dinala sa Makati Medical Center. Ikinuwento rin niyang minsan, inisip ni Gab na mag-suicide by jumping from his condo unit na nasa 27th floor. Pinasalamatan ni Gary ang GF ng anak that time dahil hindi raw binitawan ang pagkakahawak nito sa kamay ni Gab.
Muntik na raw tumalon, nasa ledge na ito ng condo unit at naisip na mabilis lang kung gagawin niya ito. Mabuti na lang at may nagbukas ng ilaw at nalinawan ang isip nito na hindi siya dapat nasa ganoong sitwasyon.
Gab is okay now, kaya malaki ang pasasalamat nina Gary at asawang si Angeli Pangilinan-Valenciano dahil nalabanan nito kung anuman ang gumugulo sa kanyang isip.
Maganda talagang mapanood ito ng mga magulang na may mga anak na may mental health issue. Marami ang matututo sa ibinahagi ni Gary.
Hot topic ngayon ang mental issue dahil marami ang dumaranas nito na humahantong sa patayan, kabilang na ang mga kabataan.
Speaking of Gary, balik-concert siya with his Back at the Museum series of concerts in October. Magsisimula ang concert sa October 1, at tuluy-tuloy na sa 3, 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29, at 31.
Directing the concert is his son Paolo Valenciano, musical director is Mon Faustino and produced by Genesis and GV Productions Inc..
May bagong patutsada sa IG…
MOND, BINANATAN ANG NAGKAKALAT NG KASINUNGALINGAN
MAY panibagong Instagram (IG) Story si Mond Gutierrez na tila patutsada na naging dahilan na naman ng diskusyon online.
Sey niya, “PAY CLOSE ATTENTION TO THOSE WHO SPREAD LIES; THEY’RE THE ONES TRYING HARDEST TO HIDE THEIR OWN TRUTHS.”
Nagtanungan na naman ang mga nakabasa kung kanino patungkol ang IG Story post na
ito ni Mond. May mga nakaisip at nag-akala kung para kanino ito at kung sino ang kanyang isine-shade.
Sey ng mga netizens, hihintayin nila kung may sasagot sa bagong post na ito ni Mond at kung paano ito sasagutin.
Ang suggestion nila, mag-usap na lang si Mond at kung sinuman man daw ang isine-shade nito para silang dalawa na lang ang makaalam at wala nang ibang sumawsaw pa.
HINDI lang sa salita ipinapakita nina Sharon Cuneta at Barbie Forteza na close sila, makikita rin sa aksiyon na close ang dalawang aktres na magkasama sa series na Honor Thy Mother (HTM).
Sa off-cam photos nila, laging nakakandong si Barbie kay Sharon na tiyak, si Mega ang may gusto na kumandong sa kanya ang aktres. Mapapansin din na nakakandong na nga si Barbie, magkayakap pa sila at magkadikit ang mga mukha.
Sa latest post ni Sharon, sey niya, “Working til the wee hours... Buti na lang we love each other’s company.”
Ini-repost ni Barbie ang post ni Sharon at umani ng mga positive comments. Hindi na raw sila makapaghintay sa September 11, streaming ng series sa Prime Video at airing sa GMA-7.
May request din na magsama ang dalawa sa pelikula at nanawagan ang mga fans sa Viva Films at GMA Pictures na mag-collab for a Sharon-Barbie movie. Make their dream come true raw.





Comments