top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Anak, kaya raw malayo ang loob sa madir… KC, NASULSULAN NA AYAW NI SHARON NA SUMIKAT SIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 26, 2023



Binuksan ni Sharon Cuneta ang kanyang puso at naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa love-hate relationship niya sa panganay na anak na si KC Concepcion.


Sa 2-part vlog ni Ogie Diaz ng kanyang mahabang panayam kay Sharon, malaking bahagi ng kanilang pag-uusap ay si KC kung saan ay ilang beses na naging emosyonal si Sharon.


Inamin ni Sharon na talagang hindi sila swak ni KC dahil opposite ang kanilang ugali pero pareho silang matigas ang ulo. Pero siyempre, bilang ina, mahal na mahal niya ang lahat ng kanyang anak at kahit buhay niya ay ibibigay niya para sa mga ito.


Isang bagay na talaga raw napakasakit sa kanya ay nang may nagsabi sa kanya na baka raw ayaw niyang sumikat si KC. Aniya ay napakalaking kasinungalingan nito.


“Sino’ng matinong magulang lalo na kung artista ka ang gugustuhin mong anak pa ng ibang tao ‘yung sumikat kaysa sa sarili mong anak? Kung may papalit sa ‘yo o susunod sa ‘yo, siyempre, gusto mo ‘yung sa ‘yo, ‘di ba?” sey ni Sharon.


“That is a total lie. Kung mayroon mang ganu’n, naglagay nu’n sa utak niya, patawarin ka ng Diyos,” aniya.


Lahat na raw ng rason ay naisip niya kung bakit malayo ang loob sa kanya ng panganay niyang anak at ipinagdarasal niyang sana raw ay huwag maniwala si KC sa tsismis na ito.


Hanggang ngayon, ang relasyon daw nila ni KC ay “Okay kami, minsan, okay ngayon, bukas hindi.”


Inamin din ni Mega na kahit noong bata pa si KC ay hindi raw ito nag-o-open-up sa kanya kaya wala siyang masyadong alam tungkol sa anak.


“Hindi ko alam kung ba’t nagkaganu’n. Eh, sa akin naman lumaki. Katulong ko ang mommy at daddy ko, pero hindi siya exclusively lumaki sa lola niya. Sa akin siya nakatira,” ani Sharon.


Inamin ng aktres na ito talaga ang biggest pain niya – ang relasyon niya kay KC na hindi niya alam kung bakit hindi maayus-ayos.


“So ngayon ko lang sasabihin kasi, that’s my biggest pain. Parang anuman ang success mo sa buhay pero meron kang isang pinakamamahal na. . .ba’t ba hindi maayus-ayos permanently?


Parang hindi ka kumpleto, hindi ka pa rin successful,” aniya.


Natanong din si Sharon kung hindi ba nila ito napag-usapan ng ama ni KC na si Gabby Concepcion.


“Hindi ko nga makausap, eh. Hindi ko alam kung ano’ng issue namin. Kasi last time kami nagkita, before COVID, okay kami. Parang feeling ko, ‘O, ba’t ‘di na naman kami ok? May nanira na naman ba?’ Parang ano ba, litung-lito na ‘ko,” saad ni Sharon.


Minsan nga raw ay gusto niyang kausapin si Gabby about KC pero simula raw nang maghiwalay sila ay hindi na sila nakapag-communicate at hindi niya alam kung bakit.


Nabanggit nga rin ni Shawie na never naman niyang siniraan si Gabby kay KC.


“Ang feeling ko nga, dapat siguro, siniraan ko na lang,” natatawang sabi ni Mega.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page