top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Anak, kay Kyline umikot ang mundo… CARMINA, SUPER-HAPI NA NAKABALIK NA SA KANILA SI MAVY

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 16, 2024



Labis naming ipinagtataka kung bakit naging malaking isyu ang mensahe ni Carmina Villarroel para sa anak na si Mavy Legaspi nang magdiwang ito ng kaarawan recently. 


Marami rin ang naiintriga dahil sa sinabi ni Carmina na happy sila ni "Tatay" Zoren Legaspi dahil nakabalik na sa kanila si Mavy. 


Nangangahulugan kaya ito na noong panahong magkarelasyon sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi ay pansamantalang lumayo-nakalimot ang aktor sa kanyang parents?


Kay Kyline ba sumentro at umikot ang mundo ni Mavy at hindi na nabigyan ng panahon ang kanyang pamilya?


Nang mag-break sina Kyline at Mavy ay marami ang nang-bash kay Carmina.


Inakusahan siyang kontrabida at nakikialam sa love life ng kanyang anak. 


Masakit ang bintang na ito para kay Carmina kaya hindi niya napigilang maiyak nang magbigay ng birthday message kay Mavy. Itinanggi ni Carmina na nakialam-nanghimasok siya sa relasyon ng anak kay Kyline.


Well, sabi nga, “Mother knows best.” Hindi maiaalis na magmalasakit si Carmina sa kanyang anak dahil ayaw niyang nakikita na nasasaktan ito nang dahil sa pag-ibig.


In time, kapag nag-mature na ang mga anak nila ni Zoren ay maiintindihan din ng mga ito ang kanyang pagmamalasakit. 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page