Anak kay Bianca, artista na rin… VHONG, GUSTONG SI JOHNNY DEPP ANG GAYAHIN NI YCE
- BULGAR
- Aug 2, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 2, 2022

Hindi na napigilan ni Vhong Navarro ang solong anak niya kay Bianca Lapus na si Isaiah “Yce” Navarro sa pagpasok sa showbiz. Nakapagtapos na kasi sa kolehiyo si Yce na mahigpit na hiling ni Vhong sa anak.
“'Yun po kasi ‘yung pangarap sa akin ni Daddy. Kasi, sinasabi po niya parati sa akin, siya po, hindi nakapagtapos kasi breadwinner po siya, eh. Lumaki po siya sa hirap. ‘Yung pagkuha po ng degree na pinangarap po sa kanya ng magulang niya, ipinasa lang po niya sa amin,” pahayag ni Yce.
Eksklusibo naming nainterbyu si Yce sa launch ng bagong high-end glossy magazine na TOP SHELF kung saan isa sa mga owners ang kanyang Mommy Bianca.
Unang nagtangkang pasukin ni Yce ang pag-aartista nu’ng pumasa siya sa audition para sa remake ng Tabing Ilog para sa ABS-CBN.
Pero hindi raw siya pinayagan ni Vhong. Nakiusap daw ang ama and at the same time, isa sa mga hosts ng It’s Showtime, kay Yce na ‘wag munang mag-artista at sikaping makapagtapos sa kolehiyo.
Kaya ngayon, muli raw ita-try ni Yce ang pag-aartista.
“Opo, may blessing na ni Daddy. Pero siguro po, try ko munang magpapayat po,” sabay tawa ni Yce.
Siyempre, may pa-advise na kay Yce ang kanyang Daddy Vhong para sa career path na tatahakin niya sa showbiz.
“'Yung dad ko po, parang may certain ano po na dapat, parang gusto niya, katulad nina Johnny Depp. Parang ganu'n na versatile actor. 'Yun ang gusto niya para sa akin. ‘Yun po ang advice niya sa akin na dapat po, ganoon ako.”
Hindi naman daw nape-pressure si Yce sa advise ng Daddy Vhong niya. Feeling ni Yce, kakayanin niya ang payo ng kanyang Daddy Vhong.
We heard na ipinatawag na si Yce ni Direk Lauren Dyogi para mapabilang sa Star Magic artists.
At ayon sa aming source, sinisilip-silip daw ni Vhong ang anak sa opisina ni Direk Lauren, kaya ngayon pa lang, kinakantiyawan na si Vhong ng mga kasamahan niya sa showbiz as “stage father.”
Anyway, dobleng blessing para kay Yce ang nakuha niya during his graduation day sa University of Santo Tomas recently.
Bukod sa diploma, nakita at nakasama niya nang ilang oras nang solo ang kanyang Daddy Vhong at Mommy Bianca.
“Ang sarap po sa feeling,” ngiti ni Yce. “Siyempre, matagal na po silang hiwalay. Na-meet ko na po ‘yung mga bago nilang mga asawa po. Kaya para makita ko po sila together ulit para po sa milestone ng buhay ko na ‘to, parang sobrang thankful ko. Kasi, they remained friends, saka close pa rin, for me po.”
Thankful din daw siya kasi nandy’an pala ang kanyang mga magulang whenever he needs them.
“Kasi, close po kami, eh. Kaya sila ‘yung nilalapitan ko talaga when it comes to my problem po,” lahad pa ni Yce.
So, abangan natin, baka one day, maging bahagi na rin ng malaganap na Kapamilya noontime show na napapanood sa TV5 at A2Z, ang It’s Showtime family, si Yce.




Comments