Anak, kahit ‘di nanalong vice-gov... VILMA KAY LUIS: KAILANGAN KA NAMIN DITO SA BATANGAS
- BULGAR

- Jul 11, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 11, 2025
Photo: Vilma Santos-Recto - IG
Sa inaugural address ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto para sa pag-upo niyang muli bilang gobernadora ng Batangas ay nagbigay siya ng mensahe sa kanyang naging running mate na si Vice-Governor Luis Manzano.
Hindi pinalad ang mahusay na TV host sa unang pasok niya sa pulitika, pero hindi raw ibig sabihin nu’n ay titigil na si Luis sa kanyang ipinangako sa mga Batangueños.
Nakakaantig ng puso ang mensaheng ipinaabot ni Ate Vi para sa anak: “To you, Luis my son, we will be needing you here in the Capitol because of your energy and your youth perspective, your understanding of the aspirations, concerns, and ways of thinking of our young generations, and what programs and projects we should adapt and be responsive to their real needs.”
Sa ngayon ay balik-hosting si Luis sa Rainbow Rumble (RR). Dapat ay tatlong programa ang agad niyang iho-host pero nag-beg-off siya para raw may time siyang tuparin ang mga binitiwang salita noong nangangampanya pa siya. Tulad ng siya ang pupunta sa bawat distrito ng Batangas para personal na maiabot ang scholarship na kanyang ipinangako noong campaign period.
Nilinaw ni Gov. Vi na walang puwestong uupuan si Luis sa kanyang governance kundi para tuparin lang ang pangakong binitiwan.
Aniya, “He just wants to fulfill his promise to the Batangueños.”
Nakatataba naman ng puso ang gagawing ito ni Luis. Imagine, natalo na pero tinupad pa rin ang pangako sa mga Batangueños. Unlike others na nanalo na nga, ang pangako ay napako naman.
Kaya naman, very proud si Ate Vi sa kanyang anak na talaga namang nagmana sa kanya.
Like mother, like son, ‘ika nga!
Samantala, ngayon pa lang ay excited na si Governor Vilma Santos-Recto sa kanyang libro na may titulong Vilma Santos Icon.
Bale second printing na ang book, though hindi pa nailo-launch ay malapit na itong mabili sa online shopping.
Bale tatlong libro ang ilalabas para sa Star for All Seasons, at ito ngang VSI ang nauna.
Ang coffee table book ang ikalawang ire-release ng masusugid na tagahanga ni Ate Vi.
Ang ikatlong book naman ay nagsasaad ng kumpleto niyang filmography.
Ani Gov. Vi, "Excited na akong i-launch ang mga ito. Sigurado, present ako doon para pirmahan ang librong binili nila. First time kong mae-experience na pirmahan ang ginawa nilang libro para sa akin. I love it."
NABIGLA si Angeline Quinto sa dami ng regalong ipinadala ni Sarah Geronimo para sa anak niyang si Sylvio.
Inaanak ni SG ang eldest son nila ni Nonrev Daquina na ngayon ay three years old na.
Sa vlog ni Angge ay ipinost niya ang pagbubukas nila ng regalo noong bininyagan ang kanilang anak last June 26, 2022 pa.
Viral ang nasabing vlog dahil sa unboxed gift ng Popstar Royalty na ipinadala sa kanyang inaanak.
Needless to say, the Kapamilya singer expressed her gratitude to Sarah in the viral video.
"Ang sweet naman ni SG. Parang madami 'to, beb. Sarah, baka naman. Ang daming regalo."
Hindi man daw nakarating si Sarah G. sa binyag noon ni Sylvio, alam naman ng singer na nasa listahan siya bilang isa sa godparents ni Sylvio.
"Ang dami nito, oh, thank you, SG! Thank you, Sars. Si Sarah kasi, kahit ‘di siya nakapunta mga ka-twinkle sa binyag ni Sylvio, alam n’yo nag-message naman siya sa akin so sobrang nagte-thank you ako kay SG talaga kasi hindi nakakalimot ‘yang si SG. Lalo na nu’ng kakapanganak ko pa lang, isa siya sa mga taong unang nakatanggap ako ng message. Nangumusta, nag-congratulate."






Comments