- BULGAR
Anak, ipinagtanggol, Dennis… MARJORIE KAY JULIA: POPROTEKTAHAN KITA AT NEVER TATRAYDURIN
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 20, 2022

Sa gitna ng pinagdaraanan na namang kontrobersiya ngayon ni Julia Barretto at ng amang si Dennis Padilla, to the rescue si Marjorie Barretto para magbigay ng moral support sa anak.
Nagbigay ng madamdaming mensahe si Marjorie kay Julia at ipinahayag kung gaano niya kamahal ang anak.
“Dearest Jul, I LOVE you with the kind of love that you can trust. Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you.
“Maybe you need to hear this today… I am so proud of you, Juli. I am so blessed to be able to call you my child,” bahagi ng mensahe ni Marjorie kay Julia.
Pinaalalahanan din ni Marjorie ang anak na ang Diyos ang nakakaalam ng lahat at matuto na lang na maging grateful sa mga dumarating na magagandang bagay.
“Here we go again, back in our family bubble shutting off the noise outside. Only choosing to be grateful for the good things that is in front of us. Remember, Jul, God is all knowing,” ang payo ni Marjorie sa anak.
Talk of the town na naman kasi ngayon ang mag-amang Julia at Dennis dahil sa pagsasagutan nila na nagsimula nang magpa-interview ang aktres kay Karen Davila at magsalita tungkol sa kanyang ama.
Pumalag si Dennis sa mga sinabi ni Julia at sinagot ito sa pamamagitan ng sunud-sunod na Instagram posts na ngayon ay deleted na.