top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Anak, hinihingan na ng apo… SYLVIA, NAGHIHINTAY LANG ALUKIN NI ZANJOE NG KASAL SI RIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2024
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 12, 2024



Naiinip na si Sylvia Sanchez na magkaroon ng apo at naghihintay na nga lang daw siya ng announcement mula sa anak na si Arjo Atayde at misis nitong si Maine Mendoza.


Pero so far nga ay wala pa naman daw announcement ang mag-asawa that they’re having a baby.


“Wala pa namang lumalapit sa akin at sabihin sa aking ‘Mama, magkakaapo ka na,'” sey ni Sylvia nang makatsikahan namin last Saturday sa first anniversary ng Beautederm Headquarters sa Angeles, Pampanga.


Pero hindi naman daw niya pine-pressure ang mag-asawa sa pagkakaroon ng baby.


“Buhay nila ‘yun, eh. Gusto ko, mag-enjoy sila. Gusto ko kasing magka-apo ako or magka-anak ang mga anak ko na ready na sila, alam mo ‘yun?” sabi pa ni Ibyang.


Pero kasama rin daw ang anak niyang babae na si Ria Atayde sa kanyang hinihingian ng apo at ang sagot lang daw sa kanya ay “Mama, chill lang.”


Natanong nga rin si Ibyang kung may plano na bang magpakasal si Ria at ang boyfriend nitong si Zanjoe Marudo.


“Hindi ko alam kay Zanjoe, si Zanjoe ‘yan, eh. Sa kanya ‘yun, wala sa akin ‘yun,” she said.


Siyempre, hindi raw niya pangungunahan ang aktor at hihintayin na lang daw niya ang mga plano nito at ni Ria.


“Hindi ko para pangunahan si Zanjoe, maghihintay ako kung ano ang gusto nilang dalawa. Sila ‘yan, eh."  


Dugtong pa nito, “Dahil nanay ako, magiging mother-in-law o anuman, wala, ayokong pakialaman, ayokong pasukin ‘yung relasyon nila. Bahala silang dalawa diyan,” sabi ng award-winning actress.


Samantala, bukod kay Ibyang ay dumating din sa first anniversary celebration ng Beautederm Headquarters ang isa pang ambassador na si Sam Milby, ang newest endorsers na sina Gillian Vicencio, Ervic Vijandre at Kimson Tan.


Bukod sa first anniversary ng Beautederm Headquarters ay ipinagdiriwang din ng kumpanya ang 15th anniversary nito ngayong Pebrero.


Masayang-masaya naman ang CEO ng Beautederm na si Miss Rei Anicoche-Tan na dumayo pa ang mga nasabing artista sa Angeles, Pampanga. Sabi pa niya’y hindi na raw siya nag-invite ng mga ambassadors at kung sino na lang ang makaalala at available.


Inanunsiyo rin ni Miss Rei sa nasabing event na abangan ang malaking artista na ilo-launch nila bilang bagong ambassador sa bandang June or July. Nagtatanong nga ang press kung si Kathryn Bernardo ba ito since may larawan silang magkasama kamakailan ngunit tanging smile lang ang naibigay na sagot ng Beautederm CEO.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page