Anak, dumalaw na raw, ni hindi nagyakapan…

SHARON, MAS BINIGYAN PA NG ATENSIYON ANG MGA ASO AT KASAMBAHAY KESA KAY KC
Julie Bonifacio - @Winner | December 27, 2020

Happy and positive ang karamihan sa mga comments ng netizens sa sunud-sunod na posts ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account during the Christmas eve celebration ng kanyang family na tinawag niyang The Mega Family.
Finally, binisita na kasi siya ng eldest daughter niyang si KC Concepcion sa kanilang condominium sa Makati City.
Umaasa ang marami na it will end all rumors na may 'di pagkakaunawaan sina Sharon at KC. At sana rin ay "naupuan" ng mag-ina ang mga bagay-bagay sa buhay nila, kung meron man, na dapat maklaro.
Okey naman 'yan basta ba huwag lang maisipang maglambing ni KC sa kanyang Mega mom at bigla siyang magpakandong. Pansin na pansin kasi ang medyo malaking pangangatawan ni Kristina Cassandra ngayon. Mas mataba na siya kesa sa kanyang ina.
O, puwede rin na kaya nagmukhang mas malaki si KC ngayon kesa sa kanyang Mega mom ay dahil pumayat na si Sharon kesa sa dati niyang katawan.
Napansin din ng iba na kahit dumalaw na si KC kay Sharon, tila may certain "coldness" o 'di masyadong warm ang galawan nila based on the videos na ipinost ni Mega.
Mas naging abala pa si Sharon sa pagkuha ng video sa mga aso nila at mga kasambahay na tinreat nila ng special dinner sa isa pang unit sa penthouse ng condo ng The Mega Family.
Wala man lang daw nakitang video o picture na nagyakapan nang mahigpit sina Sharon at KC, ganu'n din si KC sa kanyang stepfather na si Sen. Kiko at mga half-siblings na sina Frankie, Miel and Miguel.
Ang mga netizens talaga, lahat na lang napapansin.





Comments