top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Anak, 'di naman daw nagsasabi… JANICE, WALANG ALAM NA BUNTIS SI INAH KAY JAKE

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 20, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 20, 2022



Sa isang interview, nilinaw ni Janice de Belen ang tungkol sa tsismis na diumano ay buntis ang panganay niyang anak na si Inah de Belen na GF ng Kapuso actor na si Jake Vargas.


Ilang taon na ring magkarelasyon ang dalawa. Hindi aware si Janice na may ganitong tsismis sa kanyang anak. Wala namang binabanggit si Inah tungkol dito.


At dahil pareho nang nasa tamang edad sina Inah at Jake, ayaw ni Janice na pakialaman-panghimasukan ang kanilang relasyon. Susuporta lang siya kapag kailangan nila ang kanyang advise at tulong.


Ayaw ni Janice na maging judgmental sa kanyang anak pagdating sa mga personal nilang buhay.


Thirty years old na si Inah at puwede nang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.


Si Janice nga ay 19 yrs. old lang nang mabuntis at nagkaroon ng anak. Ito ay si Luigi na love child nila ni Aga Muhlach.


May tiwala si Janice kay Inah. Kung anuman daw ang gusto niyang gawin sa kanyang buhay, hindi ito pagsisisihan ng kanyang anak.


At bilang isang ina, hindi siya magiging hadlang sa kaligayahan ni Inah.


Sa ngayon ay nakikita naman ni Janice na nag-e-enjoy si Inah sa kanyang showbiz career.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page