Anak, 6 mos. pa lang, gusto nang sundan… LUIS, HUMIRIT KAY JESSY NG BAGONG BABY
- BULGAR
- May 23, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 23, 2023

Nawindang si Jessy Mendiola nang tanungin siya ng kanyang mister na si Luis Manzano ng, "Gawa pa tayo ng isa pa?"
Nangyari ang paghirit ni Luis nang ishinare niya ang mga pictures ng kanyang mag-ina sa Instagram at makikita nga rito ang mabilis na paglaki ni Isabella Rose o ni Baby Peanut.
At ito nga ang naging dahilan sa paghirit ni Luis na sundan na nilang muli ng asawa ang kanilang baby girl.
Ibinahagi naman ni Jessy sa kanyang IG ang sagot niya sa tanong ni Luis, "Pagalingin ko muna 'yung sugat ko. Hahahaha!"
Matatandaang sumailalim si Jessy sa caesarian procedure upang isilang ang kanilang babaeng anak ni Luis noong December last year (2022).
So, wala pa ngang anim na buwan ang ginawang operasyon kay Jessy. Nakakaloka ka naman, Luis! Puwedeng hintayin mo munang maghilom ang sugat ng misis mo bago ka humirit ng isa pang baby? Hahahaha!





Comments