top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Aminadong may problema… TOM SA MGA FANS: BIGYAN N'YO KAMI NG PRIVACY NI CARLA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 22, 2022




May pakiusap si Tom Rodriguez sa mga netizens na patuloy na nagtatanong kung ano ang real score ngayon sa relasyon nila ng kanyang misis na si Carla Abellana.


Alam naman ng lahat na hiwalay na sila ni Carla, pero wala silang ibinibigay na pahayag tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay. Kaya, iba-iba ang lumalabas na version at espekulasyon.


Mahigit tatlong buwan pa lang na nakakasal sina Carla at Tom kaya nagulat ang mundo ng showbiz nang mabalita ang kanilang paghihiwalay. Pinanindigan naman ni Tom na walang third party involved sa paghihiwalay nila ni Carla.


Naririndi na si Tom sa mga nababasa niyang dahilan kaya sila nagkahiwalay ng misis. Nai- stress siya sa mga tanong kung may pag-asa pa ba silang magkabalikan.


Bagama't maganda ang intensiyon ng mga nagtatanong sa status nila ni Carla, dumarating din si Tom sa puntong napapagod na sa kapapaliwanag. Kaya naman, may pakiusap si Tom sa lahat na bigyan muna sila ni Carla ng konting katahimikan.


Darating din naman ang panahon na mabibigyan nila ni Carla ng kasagutan ang lahat. Pang-unawa ng mga fans ang hiling ni Tom at sana ay mabigyan ng privacy habang sila ay may pinagdaraanan sa kanilang marriage.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page