top of page
Search
  • BULGAR

Aminadong may nasaktan pero... JULIA, TODO-DIIN NA 'DI NILA NILOKO NI GERALD SINA JOSHUA AT BEA

ni Lucille Galon - Trainee @Entertainment | April 28, 2024




Ibinunyag ni Julia Barretto na nagkaayos na sila ni Bea Alonzo sa isang interview vlog ng actress-TV host na si Toni Gonzaga sa YouTube nitong Friday, April 26.


“The world is healing dahil may mga hugging photos,” sey ni Toni kay Julia.


Makikita sa kumalat na online video na sina Julia at Bea - na sangkot sa isang kontrobersiya noong 2019 kasama si Gerald Anderson - ay nagbeso-beso at nagtatawanan sa isang party.


“It’s a moment that, of course, bina-value ko ‘yun. That’s why as much as possible, siyempre ang daming nag-a-ask sa akin. I don’t want to go into details so much, kasi ayoko naman that other people would say that it’s some ingenuine moment,” ani Julia.


Sinabi rin ni Julia na ang 2019 ang "pinakamaingay na taon" para sa kanya sa ngayon, na sinabing wala siyang ideya kung paano aayusin ang lahat ng "gulo" na iyon sa edad na 22.


“You also have to take accountability for ano'ng naging role mo sa chaos na ‘yun. Personally, I’m sure na may naging role ako in somebody else’s pain and other people’s pain, in the same way they contributed to my pain, ” paliwanag niya.


Nilinaw din ng aktres na hindi raw sila magkarelasyon ni Gerald nang kumalat ang chismis na nag-cheat daw sila sa kani-kanilang partners.


Sa pagsagot naman sa mga katanungan tungkol sa kanyang plano sa pagpapakasal, sinabi ni Julia na hindi siya nagmamadali.


Ano kaya ang sey ni Bea? Totoo ba na bati na sila? Abangan!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page