Aminadong matigas ang ulo… MICHAEL V., MAY COVID ULI, PATI MISIS DAMAY!
ni Nitz Miralles - @Bida | July 24, 2022

Muling nag-positive sa COVID-19 si Michael V o Bitoy at sa kanyang Instagram, naka-post ang positive results ng Covid-19 tests niya at may caption na, "ROUND 2... FIGHT.”
May humor ang post ni Bitoy na muli siyang tinamaan ng COVID-19. Matagal na raw silang hindi nagkikita (ng Covid) at sinabihang ‘wag nang bumalik, pero bumalik pa rin at nag-hi. Ipinaalala raw nitong hindi talaga umalis ang COVID.
Sabi ni Bitoy, “Inabala n’ya na naman ‘yung pamilya ko, ‘yung community namin, ‘yung trabaho ko... pati asawa ko idinamay pa.”
Ibig sabihin, pati asawa ni Bitoy ay nagka-COVID na rin. Hindi raw niya masisisi si COVID dahil hindi ito nagkulang ng paalala, matitigas lang ang ulo ng tao.
Sa huli, sinabi ni Bitoy na hindi pa rin welcome sa bahay nila ang COVID at bad trip siya rito.
Dahil sa muling pagkaka-COVID, matitigil siguro ang taping ni Bitoy ng Pepito Manaloto at Bubble Gang. Baka nga matigil ang taping ng two shows habang nagpapagaling siya.





Comments