top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Aminadong mahina ang utak… HERLENE, PALPAK ANG SAGOT SA Q&A NG MISS GRAND PHILS., NAPAIYAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 23, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 23, 2023



Nagte-training na uli si Herlene Budol para sa sinalihang Miss Grand-Philippines at mula sa ‘Squammy Walk’ niya sa Binibining Pilipinas, ‘Grand Budol’ na ang walk niya sa Miss Grand-Philippines 2023.


Nasa Boracay siya the other day para sa swimming competition ng bagong sinalihang beauty pageant. Mabuti at tapos na ang taping ni Herlene para sa Magandang Dilag na malapit nang ipalabas.


Nagpasalamat si Herlene sa GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng nasabing project at sa mga co-stars niya sa soap na laging nakasuporta sa kanya at minahal siya.


Ipinahayag ng dalawang veteran actresses na sina Sandy Andolong at Chanda Romero ang kanilang pagmamahal sa baguhang aktres at gusto rin nila ang pagiging totoong tao nito.


Nabanggit din ni Chanda na bumilib siya kay Herlene dahil isinusulat pa nito sa yellow paper ang mga scripts niya. Tuluy-tuloy itong ginawa ni Herlene, hindi lang sa first week ng taping nila.


“Thank you po talaga sa pagga-guide sa akin. Never din akong nagutom, maraming dalang food si Nanay Sandy. Sobrang guidance nila sa akin. Gusto ko ngang magpasampal sa kanila, ayaw naman nila.


“Sabi kasi ng tatay ko, magpasampal ako ‘pag may nakakasama akong mga magagaling na artista. Karangalan kong makatrabaho sila,” sabi ni Herlene.


Samantala, humingi ng dispensa si Herlene sa mga na-disappoint sa naging sagot niya sa Q&A sa official sashing ng Miss Grand-Philippines 2023.


Naiyak din si Herlene sa palpak niyang sagot at hindi na raw niya tinapos panoorin ang video nito.


Aminado si Herlene na kahinaan niya ang Q&A, kaya kasama ito sa training niya, pati ang kanyang pasarela.


Ang pakiusap ni Herlene, itama na lang siya at ‘wag i-bash sa kanyang pagkakamali, “I-correct n’yo na lang po ako, ‘wag n'yo na po akong i-bash, please?”


Mali kasi ang sagot niya sa tanong ng isa sa mga judges na bukod sa pagkakaroon niya ng huge following sa social media, ano pa ang makakatulong upang manalo siya.


Ipinaulit ni Herlene ang tanong dahil hindi niya masyadong naintindihan at idinaan pa nito sa comedy ang sagot.


Maayos naman ang sinabi niya the second time around, pero hindi tungkol sa tanong ang kanyang isinagot kaya na-bash siya at dismayado ang mga supporters niya, at siya rin naman mismo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page