Aminadong 'di normal… ANDREA, IPINANGANAK NA WALANG PANG-AMOY
- BULGAR
- Jul 15, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 15, 2022

Since birth ay walang pang-amoy si Andrea Brillantes. Ito ay isang rare medical condition called “congenital anosmia” which we learned na walang gamot.
Kaya naman mula nang ipanganak hanggang sa ngayon ay hindi alam ni Andrea kung ano ang amoy ng iba’t ibang bagay.
“Wala po talaga, as in puwede po akong ututan sa mukha,” kuwento niya sa kanyang panayam kay Karen Davila.
Actually, nalaman nga raw niya na wala siyang pang-amoy nang ututan siya ng daddy niya sa mukha noong bata siya. Naghihintay daw ang lahat ng kanyang reaksiyon pero wala talaga siyang naamoy.
Du’n lang daw niya napagtanto na parang wala nga siyang pang-amoy.
“Eh, ‘yung ate ko, madaming pabango, mahilig sa mga pabango. Punta ‘ko sa cabinet niya, spray-spray ako d’yan, tapos umiinit na ‘yung leeg ko sa kaka-spray ko ng pabango, tapos wala pa rin akong naamoy,” pagbabahagi pa ni Blythe (Andrea’s real name).
“Ang meron lang ako, sensation. Kapag may alcohol, ‘yung rubbing alcohol, ‘yung parang lalamig, ‘yun lang. Mga cooling-cooling. Pero amoy po, wala talaga,” she said.
But the irony, mahilig daw siya sa pabango. When asked kung paano siya namimili ng perfume, sey niya, “'Yung ate ko, ‘yung dyowa ko, si Ric (Ricci Rivero), ipinapaamoy kung ano ang amoy nito.”
Wala naman daw problema sa kanyang sense of taste pero dahil nga wala siyang pang-amoy, parang kulang pa rin daw. Kaya mahilig daw siya sa sobrang sweet at sobrang asim na mga pagkain.
“Pinakamahirap po ‘yung panis na pagkain dahil hindi ko alam (na sira), lalo na 'pag gatas,” sey niya.
Wala raw talaga siyang kahit ano'ng memory ng mga amoy pero dahil she was born with it, natutunan na rin niya how to live with it. And actually, hindi naman halata na may ganito siyang disorder.





Comments