top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Aminado ang mga airline na bangkarote na sila

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | June 08, 2021



Nakagarahe lang ang santambak na eroplano sa Terminal 1, Terminal 2 ,Terminal 3 at Terminal 4 ng NAIA sa Pasay at Parañaque.


Nakalulungkot ang eksenang ito!


◘◘◘


NAGDEKLARA ng pagkabangkarote ang lahat ng airlines at isinauli na sa suppliers ang mga eroplanong binabayaran ng installments.


Mga bilyunaryo ang korporasyon ng mga airlines kaya’t may proseso ang mga bangko kung paano sila makalulusot sa krisis!


◘◘◘


KASABAY ng pagkalugi ng mga airport, daan-daang libong OFWs naman ang nawalan ng trabaho.


Hanggang ngayon ang iilang OFWs na may oportunidad na magtrabaho naman ay katakut-takot na aberya naman ang inaabot sa biyahe!


◘◘◘


SA datos, mahigit 400, 000 OFWs ang nagsiuwi at nawalan ng pagkakakitaan.


‘Yan ang dahilan kung bakit angkop lamang na iprayoridad ang OFW edition ng P10,000 ayuda kada benepisaryo!


◘◘◘


TINAKALAKAY ang P10K ayuda OFW edition noong Biyernes sa isinagawang online town hall meeting nina dating Speaker Alan Peter Cayetano, DFA Usec. Sarah Arriola, OFWs at mga leader ng mga OFW groups.


Pinag-usapan ang kanilang mga hinaing dahil sa COVID-19.


Dahil d’yan, pinapaboran din ng grupong Back-to-Service ang pagsasabatas ng sariling departamento para sa OFWs!


◘◘◘


PERO nakabinbin lamang sa Senado ang panukalang-batas matapos aprubahan ng Kamara sa 3rd reading noong March 2020 sa ilalim ng liderato ni Cayetano.


Bakit hirap na hirap itong talakayin sa Senado gayung kabilang ang Departmeng of OFWs bill sa mga priority measures ng administrasyong Duterte?


◘◘◘


BILANG dating foreign affairs Secretary, direktang nakikipag-ugnayan sa mga OFW si Cayetano kaya’t nauunawaan niya ang sitwasyon ngayon sa panahon ng pandemya.


Sa panahong ito, pinalobo ang Assistance to Nationals Fund mula P400 milyon hanggang P1 bilyon.


Maging ang Legal Assistance Fund ay dinoble mula P100 milyon hanggang P200 milyon.

Ipinabasura rin ang Kafala System sa Middle East!


◘◘◘


SA panahon ding ‘yan, pinalawig nang todo sa 10 taon ang validity ng passport mula sa dating limang taon.


Malaking ginhawa ito sa hanay ng OFWs at iba pang Pinoy na nagbibiyahe sa ibang bansa!


◘◘◘


MATAGAL nang itinuturing na buhay na bayani ng ating henerasyon ang OFWS pero, bakit hindi sila binibigyan ng sapat na ayuda sa panahon ng pandemya?


Magagawa ito kapag naisabatas nan ang ganap ang Kagawaran para sa mga OFWs.


Sana ay aksiyunan agad ito ng Senado at Malacañang!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page