top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

American factor, banderang tapos sa Condition Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 22, 2022


Walang nakahabol sa bilis ni American Factor nang magwaging banderang tapos sa Condition Race Merged (10) noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Nirendahan ni jockey Pabs Cabalejo, kumaripas sa largahan si American factor upang hawakan agad ang bandera.


Mag-isang binaybay ni American Factor ang unahan kaya naman walang kahirap-hirap nitong tinawid ang meta habang ang ibang nakatunggali ay nagkukumahog sa kahahabol.


Inirehistro ni American Factor ang 1:27.6 minuto sa 1,400 meter race, tinawid ang meta ng may anim na kabayo ang agwat sa pumangalawang si Doc Boy.


"Walang nakadikit kaya nakatapos ng karera, magaling talaga si American Factor kapag nasa unahan, mahihirapan silang habulin," saad ni Carlos Legaspi, karerista.


Tersero si Magtotobetsky, pang-apat si Kid Baloloy habang pang-lima si The Accountant sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Samantala, pitong races ang ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Isa sa mga aabangan ng mga karerista ngayong araw ay ang bakbakan ng walong kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa pang-apat na karera.


Inaasahang liyamado sa laban ang Kaka And Bachi na gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey-of-the-Year awardee Jessie B. Guce.


May distansyang 1,400 meter race, makakatagisan ng bilis ni Kaka And Bachi sina Biglang Buhos, Silab, Candid Moment, Magnificent Lady, Stravinsky, Are Rated at Tool Of Choice.


Nakalaan ang added prize na P35,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang hahamigin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P10,000.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page