top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ambassador ng Spain, nakasama, level-up na… SOFIA, GUMANDA ANG BUHAY DAHIL SA DYOWA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 03, 2022




Level-up na raw ang estado ng buhay ni Sofia Andres. Ito ang usap-usapan ngayon ng mga Marites sa social media dahil nasa Spain ngayon si Sofia kasama ang unica hija nila ni Daniel Miranda.


Binisita lang naman ni Ambassador Philippe J. Lhuillier ng Spain ang apong si Daniel at ang mag-ina nito.


Sa Instagram account ni Sofia, ibinahagi niya ang larawan nila ni Daniel at ng anak nilang si

Zoe with Amb. Lhuillier.


Nilagyan niya ito ng caption na: "My baby love was so excited to visit her great grandfather this morning. Thank you @danielmiranda_& Tito Philippe for the Embassy tour."


Pinagpiyestahan naman sila ng mga netizens.


"Wow, altang-alta na talaga siya! Sana, pakasalan siya. Good luck Sofia."


"Nasa Spain na naman sila?"


"In fair, ang ganda niya talaga sa pics, 'wag lang siya magbi-video."


"Parang last time nag-Portugal sila, eh, tapos nasa Spain naman now. Aba, iba talaga!"


"Jackpot ka talaga, girl! Sana all talaga, hehe."


"Bongga ng nabingwit ni Sofia. Hehe. Isang Pilipina na naman po ang natupad ang pangarap, hahaha! Kaso 'di pa rin siya mukhang sosyalin."


"Bakit ang nega ng mga tao kay Sofia? Lol. Nakapag-asawa ng alta, so of course, her life is gonna change. "


"In fernez, jackpot talaga si Sofia! Guwapo, mayaman at mukhang loyal ang jowa at accepted siya ng pamilya nito!"


"'Di ba, clan ni Sofia ang mga may-ari ng Sta. Lucia? So, hindi rin naman sobrang layo ng agwat nila ng daddy ng baby niya."


"Legit alta ang nakuha ni ate, 'wag mo nang pakawalan, girl."


Kelan nga kaya magaganap ang kasal ni Sofia?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page