Ambag ni Dennis, gustong tanggalin… CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO
- BULGAR

- Jun 9
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 9, 2026

Photo: IG _claudia & _dennisastig
Minus one na ang mga anak ni Dennis Padilla dahil may petition na ang anak niyang si Claudia Barretto to formally change her surname from Baldivia to Barretto na apelyido ng mom niyang si Marjorie Barretto.
Ipinost ni Dennis ang legal document at nakasulat na ang petitioner ay si Claudia at galing sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang petition at request na palitan ang legal surname ni Claudia.
Katabi ng legal document, nag-post si Dennis ng text overlay at sabi, “Kung ang lungkot ko ay kasiyahan mo anak… ‘Di magbabago ang pagmamahal ko sa ‘yo, Claudia - Papa.”
Actually, hindi na rin naman magagamit ni Claudia ang Barretto dahil she’s married at Lorenzo na ang surname na ginagamit nito. Ang mister ni Claudia Barretto ay si Basti Lorenzo.
May nag-comment na netizen, ano raw ang gagawin ni Dennis kapag sumunod sina Julia at Leon Barretto na maghain ng petition na alisin na rin ang apelyido ni Dennis at Barretto na ang gamitin?
Well, may mga naawa at nalungkot para kay Dennis. Isipin na lang daw nito na kahit hindi na dala ni Claudia ang kanyang apelyido, hindi maikakaila na siya pa rin ang ama nito. Dugo niya ang nananalaytay sa katawan ng anak.
May nagpayo naman kay Dennis na iwasan na lang ang mga anak at kung binabalewala siya, ganoon din ang kanyang gawin. Pinayuhan din siya to stop posting about his kids dahil isa iyon sa nagti-trigger para magkaroon ng isyu.
ALDEN, OWWA MENTAL HEALTH AMBASSADOR
IPINAKILALA na si Alden Richards bilang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Mental Health Awareness Ambassador sa ginanap na OFW Kabuhayan Expo 2026 sa SMX Convention Center.
Agree ang mga netizens sa pagkakapiling ambassador ni Alden for the said position, makakatulong daw ito lalo na sa pagpapalaganap ng mental awareness sa mga kababayan natin abroad.
Binisita na nito ang mga OFWs sa Hong Kong at mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga ito. Ibig sabihin, masusundan pa ang pagbisita niya sa mga OFWs sa ibang parte ng mundo.
Nakakatuwa lang ang comment ng mga fans ni Alden sa bago niyang purpose-driven role. Dahil mas magiging busy, lalo raw itong mahihirapang magka-love life, kaya ang payo nila, maglaan siya ng oras para sa kanyang love life.
And speaking of Alden, sa June 26 na ang streaming sa Viu ng series nila ni Nadine Lustre na Love, Siargao (LS). Kinunan sa Siargao ang series, kaya hindi lang ang ganda ng story at husay ng cast ang mapapanood, pati na ang ganda ng Siargao.
Sinimulan na rin ni Alden Richards ang paghahanda sa medical series na Code Gray (CG) at marami pa siyang upcoming projects. Mukha ngang too busy ang 2026 sa actor at wala na naman siyang time for his love life.
NAUNA nang nag-post ang mag-asawang Maricel Laxamana-Pangilinan at Anthony Pangilinan ng kanilang unang apo. Kita sa mag-asawa ang saya na finally, may apo na sila.
Sabi ni Maricel, “Fernando Leon. Forgive me. Will be M.I.A. (missing in action) for a while. Grandma mode loading... Thank you E & E for this precious one.”
Si Anthony, reels video ang ipinost at kita ang saya sa mga mata at ngiti nito.
Sey niya, “Maricel: Hon, I’m either Lala or Lolly. What about you? What will Fernando call you? Me: LOLs.
“Joke lang. Any suggestions?”
Ang daming suggestions kung ano ang tamang itawag sa lola at lolo at swak ang suggestion ng isang fan, “Pops! Para LollyPops’ po kapag tinawag kayo ni Ms. Maricel.”
Well, nakarga na rin ni Donny Pangilinan ang unang pamangkin, anak ng sister niyang si Ella Pangilinan at asawang si Enrique Lhuillier Miranda. Ipinost nito ang photo na karga niya ang baby at may caption na, “Tito is homeeee.”





Comments