- BULGAR
Ama, nakakalimutan na, Aiko… ANDRE, UMAMING 'DI KAWALAN SA KANYA SI JOMARI
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 19, 2022

Ibinulgar ni Andre Yllana ang mga hugot niya sa kanyang ama na si Jomari Yllana habang iniinterbyu ng kanyang ina na si Aiko Melendez para sa YouTube channel ng aktres.
Nagsimulang mapunta ang usapan ng mag-ina nu’ng aminin ni Andre na naawa siya kay Aiko noong mahiwalay sa ama ng younger sister niya na si Marthena.
“Kasi nakita ko talaga ‘yung hirap mo sa amin. Ginawa mo talaga ‘yung best mo para makuha namin ang mga needs namin. Minsan nga, kahit hindi needs, gusto lang namin, naibibigay mo pa.
Kaya nandoon talaga ako sa proud ako sa 'yo, Mom,” lahad ni Andre.
Ayaw din daw mangyari ni Andre na dumating ang panahon na maging broken family ang sariling pamilya na bubuoin niya.
“Mahirap ding magsalita nang tapos. Pero ang pinakagusto kong ipaglaban, kapag nagkaroon ako ng sarili kong pamilya, gusto ko ng complete family. Ayoko ng broken family.
“Kasi, growing up, nakita ko ‘yung hirap pati ‘yung ‘pag naglo-long ka for a father. Kasi ako, buong paglaki ko naman, nand’yan ka (Aiko), eh. ‘Yung naghanap ako sa tatay, kaya siguro ang pinaka-mindset ko talaga is to be the best father, in the future,” esplika ni Andre.
Dito na kinumusta ni Aiko ang relasyon ni Andre kay Jomari.
“So far, so good. Happy na nakaka-bond ko siya,” say ni Andre.
Pagkatapos ay hiningan ni Aiko ng mensahe si Andre para kay Jomari.
“Dad, kung napapanood mo ‘to, hindi ko pa nasasabi sa ‘yo 'to. Minsan kasi, may mga bagay na it’s too late na. Siguro ‘yung thirst ko na a father’s love, hindi na rin ganoon ka… sa totoo lang, ha?
“Kumbaga, kung parang dati, grabe akong maghabol kay Dad, siguro, nasanay na rin ako na parang wala siya. Kaya pasensiya na rin, Dad, kung may mga times na nakakalimutan kita.
Hehehe! Ayun,” ngiti ni Andre.
Inulit ni Aiko ang paghingi ng message kay Andre para kay Jomari kung saan na-reveal na not on speaking terms ang mag-ama.
Sabi ni Aiko kay Andre, “Kung may message ka sa daddy mo… which I doubt mapapanood niya dahil hindi kayo nag-uusap.”
“Uhm, hi, Dad. Hahaha!
“Ano kaya'ng message ko sa kanya? Uh, mag-diet ka naman, Dad. Medyo lumolobo tayo, eh,” biro ni Andre.
Dagdag pa niya, “Tsaka ano, kahit anuman ang mangyari, I’ll always be here for you through thick and thin. Kaso nga lang, ayun, may mga bagay na hindi na kasing-init dati.”
Wish naman ni Aiko na manumbalik kung anuman 'yung naumpisahan nina Andre at Jomari kasi si Aiko raw will be the happiest kapag nangyari ito.
Naniniwala rin si Aiko na magkakaayos sina Jom at Andre lalo na't malapit na ang “ber” months at birthday ni Andre next month.
Isiniwalat naman ni Andre na wala siyang excess baggage with regards to Jomari.
“Siguro, ano lang, ‘yung mistake mo (sa akin) dati, huwag mo nang gawin sa mga kapatid ko dahil bata pa sila. At saka, habang bata pa sila, go for it. ‘Yun ang message ko sa ‘yo, Dad,” payong-mensahe ni Andre sa ama.
Another revelation ni Andre sa one-on-one-interview ni Aiko sa kanya ang pinagdaanan niyang depression.
“Na-depressed ako, guys,” pag-amin niya sa mga viewers ng YT channel ng ina.
“That’s the story behind kung bakit ako pumayat noon. Na-depressed ako nang sobra-sobra. Kasi akala ko, kaya kong kimkimin lahat, ‘yun pala, may hangganan din ang tao kahit gaano ka pa kalakas. Kahit gaano ka pa kalakas, kapag sinapol ka, wala, durog ka talaga.”
Nagpasalamat si Andre sa suportang ibinigay ng kanyang pamilya para mawala ang kanyang depresyon.
Gusto ring mawala ni Andre sa sarili ang pagkakaroon ng lack of confidence.
Sa kanyang kaarawan next month, may dalawang bagay daw siya na ipinagpe-pray para matupad.
“Actually, ano, eh, dalawa. Una, gusto ko na talagang sumikat, like you (Aiko), ganu'n, to that level. Tapos, 'yung pangalawa, gusto ko na talagang kumarera.”
Walang duda na namana ni Andre ang hilig sa pangangarera mula kay Jomari.
Sa bandang huli ng interbyuhan ng mag-ina, ‘di na napigilan ni Aiko ang maiyak at pati na rin si Andre.
Nag-sorry muna si Andre kay Aiko dahil sa mga nagawa niya in the past, like ang paglipat-lipat ng eskuwelahan at ‘di niya pag-reply kay Aiko kapag mine-message siya.
“Thank you kasi kahit galing ako sa broken family, hindi ko kahit kailan naramdaman na incomplete ako. Dahil ‘yung missing pieces na hinahanap ko, tumayo ka roon sa missing pieces na ‘yun. Tapos, binuo mo kung sino ako ngayon,” emosyonal na mensahe ni Andre para sa ina.
How sweet!