Alwyn, 'di na nakabalikan… WISH NI JEAN: JENNICA, MAKAHANAP NG LALAKING TANGGAP ANG 2 ANAK NIYA
- BULGAR
- Sep 1, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 1, 2023

Labis ang pasasalamat ni Jennica Garcia sa mga blessings na dumarating sa kanya ngayon.
Malaking tulong para sa kanya ang pagkakasama niya sa seryeng Dirty Linen. Ang kanyang kinita rito ay ipinambayad niya sa kanyang condo at naging maayos ang pamumuhay nilang mag-iina.
Single mom si Jennica, pero naitaguyod niya ang dalawang anak na babae. Hindi na rin sila nagkabalikan pa ni Alwyn Uytingco.
Bukod sa gumagandang takbo ng kanyang career, may mga endorsements na rin siya ngayon.
Kaya mas na-inspire si Jennica na kumayod para sa future ng kanyang mga anak.
Masaya at proud na proud naman si Jean Garcia para sa kanyang anak na si Jennica.
Nakita niya kung gaano katatag at hardworking ang anak sa gitna ng mga pagsubok at problema na kanyang pinagdaanan.
Napaka-dedicated at loving mom ni Jennica sa kanyang mga anak. Ang tanging wish ni Jean ay makatagpo si Jennica ng kanyang “true love” na makakasama niya sa hirap at ginhawa. At ‘yung tatanggapin at mamahalin pati ang dalawa niyang anak.





Comments