top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Alta Mombis, matikas sa 3-YO Maiden Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 20, 2023


Bumilib ang mga karerista sa ipinakitang tikas ng dehadong si Alta Mombis matapos manalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado.


Hindi nasindak sa matutulin na katunggali si Alta Mombis, nakipagsabayan sa unahan paglabas sa aparato at papalapit sa far turn ay umagaw ng unahan ang liyamadong si Sky Lover.


Subalit hindi nagpabaya ang hineteng si Conrad Henson, itinutok nito si Alta Mombis kay Sky Lover at pagsapit ng rektahan ay inagaw na ng winning horse ang unahan para tawirin ang meta ng may limang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Tenacity.


Inilista ni Alta Mombis ang tiyempong 1:28 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang added prize na P20,000 para sa winning horse owner na si AF Coyco.


Tersero si Sky Lover habang pumang-apat si Marikit sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Isa pang hinangaan ng mga racing aficionados ay si Matukad Island na nagwagi sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangalawang karera.


Ginabayan ni JD Flores, inirehistro ni Matukad Island ang tiyempong 1:30.6 sa 1,400 meter race para ibulsa ang P10,000 added prize.


Dumating na segundo si Winsome Maxxine habang tumersero si Kissing Bandit.


Samantala sa darating na Sabado ilalarga ang 2023 PHILRACOM "Commissioner's Cup" kaya tiyak na aabangan ito ng mga karerista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page