ALODIA, APRUB SA MGA NETIZENS PARA KAY PIOLO, PIKTYUR NA MAGKASAMA, VIRAL
- BULGAR
- Jan 25, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | January 25, 2022

Kinaaliwan ng mga netizens ang post ni Piolo Pascual kasama si Alodia Gosiengfiao na ginaya ang parinigan ng ex-couple na sina Alodia at Will Dasovich na nagsimula sa post ni Alodia na “Hi. Ako nga pala 'yung sinayang mo,” na sinagot ni Will ng “Hi. Ako nga pala ang sinaing mo.”
Maraming memes ang naglabasan at pati architect ng bahay sana nina Alodia at Will, nag-post din ng “Ako nga pala ang sinayang n’yo.”
Si Piolo na ang pinaka-latest na gumawa ng meme at kasama pa niya si Alodia.
Sa larawan, may hawak na kaldero sina Piolo at Alodia at may hawak pang damit na isasampay ang aktor. Ang caption ni Piolo sa post niya ay “Ako na lang ang magsampay at magsaing para walang masayang. #Nakikiuso lang.”
'Kaaliw ang reaction ng mga kaibigan ni Piolo sa kanyang entry sa pinauso nina Alodia at Will at may mga nagsi-ship na sa dalawa dahil bagay daw sila.
Tuluyan na raw out kay Alodia si Will dahil kay Piolo. May nagsali rin sa pangalan ni Shaina Magdayao na matagal nang nali-link kay Piolo.
“@shaina_magdayao left the group,” biro ng isang netizen.




Comments