top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

All Too Easy at Ipolitika kampihan sa Metro Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 20, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 20, 2023


Magsasanib-puwersa sina All Too Easy at Ipolitika sa magaganap na 2023 PHILRACOM Chairman's Cup III na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Linggo.


Gagabayan ni John Alvin Guce si All Too Easy habang si Kelvin Abobo ang rerenda kay Ipolitika para harapin ang anim pang tigasing kabayong nagsaad ng pagsali sa distansiyang 2,000 meter race.


Paglalabanan ang P500,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line, ang ibang kalahok ay sina Eazacky, Landslide, Magna Cum Laude, Shining Vic, The Accountant at Tugatog.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P300,000, masisilo ng second placer ang P112,500 habang tig- P62,500 at P25,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Mag-uuwi rin ng P25,000 ang breeder ng winning horse at tig-P15,000 at P10,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, ilalarga rin ang Chairman's Cup Division II sa nasabing araw kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Nagsaya naman ang mga racing aficionados kahapon araw ng Miyerkules dahil may walong karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).


Paniguradong maraming nag-aabang sa mga stakes races na pakakawalan tuwing araw ng Linggo lalo na ang First leg ng triple Crown Championship series.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page