top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

All Pinoy 10th crown kinabig ng Beermen

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 5, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 5, 2022



Nakuha ng San Miguel Beer ang kanilang ika-10 titulo sa All-Filipino at kabuuang 28 championship titles matapos padapain ang defending champions na TNT Tropang Giga sa iskor na 119-97 sa titular Game 7 winner-take-all best-of-seven championship series sa 47th season ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi.


Naging malaking bahagi ng panalo ang ipinakitang mainit na fourth quarter ng Beermen ng bumitaw ito ng 35 puntos at limitahan ang TNT sa 8 puntos lamang, lalo na ang pagpigil sa mainit na laro ni Mikey Williams at iika-ikang si Jayson Castro na may iniindang ankle injury. Naging malaking bagay rito ang beteranong pamumuno ni Chris Ross na nagpakita ng matinding depensa at magandang patakbo ng laro sa final canto ng tumkada ito ng 12 puntos, 5 rebounds, 4 assists, at tig-isang steal at block mula sa 4-of-7 sa three-point line.


Dahil sa panalong ito ay nakatikim ng kanilang unang kampeonato sina CJ Perez, Simon Enciso, Mo Tautuaa, Vic Manuel, Rodney Brondial, Jeepy Faundo, at Mike Canete, habang nakuha naman ni coach Leo Austria ang kanyang ika-6th na All-Filipino title at ika-9th sa kabuuan upang makatabla kay coach Chot Reyes sa Philippine Cup.


Nagbida sa iskoring sa Beermen si Perez sa 25pts, 7 assts at 4 boards sa 11-of-17 shooting, habang kumana ng double-double si six-time MVP na si Fajardo sa 19pts, 18rebs, 5 assists at 2 blocks.


Naramdaman ng 2021 All-Filipino champ ang kawalan ni Reyes dahil sa health and safety protocol, gayundin ang injury ni Glen Khobuntin at ang nagpapakahirap na si Jason Castro, habang napatalsik pa sa laro si Poy Erram dahil sa flagrant two foul kay Mo Tautuaa sa second period upang mas mahirapang makabangon ito sa final canto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page