Aljur, walang sustento? KYLIE, TODO-KAYOD PARA SA MGA ANAK
- BULGAR
- Apr 23, 2023
- 3 min read
Updated: Apr 24, 2023
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 23, 2023

May bagong hugot post si Kylie Padilla sa kanyang Facebook account na tumawag na naman sa atensiyon ng kanyang mga Marites fans.
Tungkol ito sa pagiging single parent ni Kylie kung saan ganito ang mababasa sa kanyang FB post, "Single motherhood is so hard! I don’t want to mince words anymore. I miss my kiddos. I’m trying to find so many way (sic) to explain to them why mama is always away and always tired.
"I wish I could just hold them forever and make them understand how much they ground me and how much they guide me and how much of what I do is for their future.
"Konting tiis na lang and you’ll have me the whole day promise. I think I’m ready to mom again, I’ve been dad for quite sometime now, huhuhu," emote ni Kylie na tipikal naman sa mga working moms na kagaya niya.
Pero dahil alam nga ng lahat na buhay na buhay pa naman si Aljur Abrenica at active pa rin sa showbiz — in fact, parang 'di naman nawawalan ng project si Aljur — kaya ang tanong na tumakbo sa isip ng mga Marites… "Teka, hindi ba nagbibigay ng sustento si Aljur?"
Ang siste nga naman kasi, bakit parang si Kylie lang ang todo-kayod para sa mga anak, gayung kung tutuusin, kung nagbibigay sana ng sustento si Aljur, hindi naman kailangang magpakakuba sa pagtatrabaho ni Kylie.
Tsk, tsk, tsk! Paki-explain nga pls., Aljur, para 'di naman kung anu-anong bansag ang itinatawag sa 'yo ng mga solid fans ng iyong estranged misis.

Birthday kahapon ng magaling na singer na unang sumikat sa X Factor UK na si Alisah Bonaobra at magandang pa-birthday sa kanya ang paglabas ng kanyang bagong kanta na revival ng isang Angeline Quinto song, ang Hanggang Kailan.
Nakausap namin si Alisah sa media launch ng Hanggang Kailan version niya bago ang kanyang birthday at tuwang-tuwa ngang ibinalita sa amin ng lodi naming singer na dream come true para sa kanya ang makanta ang isa sa mga pina sikat na songs ni Angeline Quinto dahil idol din daw niya ang Kapamilya singer.
Kuwento ni Alisah, 7 years ago nang unang sumikat ang nasabing kanta ni Angeline at nagustuhan niya ito kaya kinanta niya sa bahay na parang nagpapraktis lang.
Nag-viral ang pagkakakanta ni Alisah at maraming humanga sa kanya, kaya naisip ngayon ng kanyang record producer-manager na si Ms. Rosabella Jao-Arribas ng RJA Productions na bagay sa kanya ang kanta, so why not i-revive niya ito.
Kinausap nila ang composer ng kanta na si Joel Mendoza at agad naman itong pumayag na i-revive ni Alisah ang kanta, plus dinagdagan pa ni Joel ng lyrics ang Hanggang Kailan kaya hindi ito katulad na katulad ng version ni Angeline.
Ayon kay Alisah, prepared naman siyang maikumpara kay Angeline lalo't pareho silang biritera, pero naniniwala siyang meron silang kani-kanyang style, touch at uniqueness bilang mga singers kaya sana raw, suportahan silang lahat ng mga fans.
Hindi raw alam ni Alisah kung alam na ni Angeline na ini-revive niya ang Hanggang Kailan song nito, pero mensahe niya sa kapwa singer, "Sana po, 'wag mo pong masamain na ako ay binigyan ng chance ni Sir Joel Mendoza (na i-revive ang kanta)."
Sana raw ay maka-collab niya si Angeline dahil kahit 'di pa niya ito nami-meet, napi-feel daw niyang mabuting tao ito at hindi mahirap maka-duet.
Anyway, isang araw pa lang uploaded sa YouTube ang Hanggang Kailan version ni Alisah pero umani na ng maraming views.
This is distributed by mainstream label Star Music PH.




Comments