top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

ALJUR, UMAMING WALA NA SILANG KAILANGANG PAG-USAPAN NI ROBIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 5, 2023



Kinumpirma sa amin ni Aljur Abrenica nang makapanayam namin kamakailan sa media launch ng bagong production company na Gutierez Celebrities and Media Production headed by its owner, MJ Gutierez, na okay ang setup at co-parenting nila ngayon ni Kylie Padilla sa dalawa nilang anak na sina Alas at Axl.


Bagama't pareho na sila ni Kylie na may kani-kanyang partner, hindi naman daw ito hadlang para magkaroon sila ng quality time sa kanilang mga anak.


Aminado si Aljur na 'pag may hindi siya alam tungkol sa pag-aalaga ng bata, nagtatanong pa rin siya kay Kylie and vice-versa.


Tanggap na rin daw ni Kylie ang relasyon nila ni AJ Raval and in fact, ang estranged wife pa nga niya ang mismong naglinis sa pangalan ng girlfriend niya ngayon.


Si AJ nga kasi ang pinaniniwalaan ng madlang pipol na sumira sa relasyon nila ni Kylie na hindi naman daw totoo.


Samantala, tinanong din namin si Aljur sa relasyon niya sa ex-father-in-law na si Robin Padilla.


Nagkausap na ba sila ni Sen. Robin mula nang maghiwalay sila ni Kylie?


"Si Papa, 'di na kami nagkakausap. Alam ko, busy siya sa Senado, eh. Alam ko, may mga mas importante siyang bagay na aasikasuhin."


So, after their separation ni Kylie, hindi ba siya tinawagan ni Robin?


"Hindi, ano lang, mabilis lang. I think lahat ng kailangan naming malaman, nasabi na namin. Napag-usapan na namin. That's it."


Okay naman daw sila ng kanyang ex-father-in-law na ipinagtanggol pa nga siya noon sa hiwalayan issue nila ni Kylie.


Ang mommy ni Kylie na si Liezl Sicangco ay hindi pa rin daw niya nakakausap.


Sa tanong namin kung ano'ng reaksiyon niya sa sinabi noon ni Jeric Raval na kinausap siya nito para sabihing 'wag saktan si AJ, sagot ni Aljur, "Ah, sinabi ba niya 'yun? 'Di ko alam 'yan. Tingnan ko muna bago ko masabi 'yan."


Hindi ba nila napag-uusapan ni AJ ang tatay nito?


Sagot ni Aljur, "On that part, sa amin na 'yun. Makikita n'yo naman sa hitsura ko kung ano talagang sitwasyon."


Oh, ha?! Mukhang fresh and mas guwapo naman ngayon si Aljur, so mukhang in love nga siya at hindi nai-stress sa relasyon nila ni AJ Raval.


'Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page