ALJUR, TANGGAP SI AJ KAHIT IPINATANGGAL NA ANG FAKE BOOBS
ni Nitz Miralles @Bida | July 13, 2023

Nakita na nga si Aljur Abrenica sa family picture nina AJ Raval. Makikita sa naturang larawan ang ama ng aktres na si Jeric Raval, ang kanyang ina at mga kapatid. Tila may pupuntahan sila kasama nga si Aljur.
Nasa tabi lang si Aljur and in fairness, hindi siya umeksena at tumabi kay AJ. Naalala namin ang sagot ni Jeric nang tanungin tungkol kina AJ at Aljur, matatanda na raw ang dalawa at alam na nila ang kanilang mga ginagawa.
Sa pagpayag niyang sumama ang aktor sa lakad ng kanyang pamilya, ibig sabihin, tanggap na niya bilang son-in-law si Aljur.
Naaliw lang kami sa mga comments ng mga netizens, gaya ng isang comment na mahal talaga ni Aljur si AJ dahil kahit maliit na ang boobs nito nang magpatanggal ng silicone, 'di pa rin niya iniwan ang aktres.
May nag-comment pa na ang hilig ni Aljur sa mga biyenang action stars at may binanggit pa na ang isusunod na raw nito ay isang anak uli ng action star na hindi namin pinangalanan.
May ginagawang movie sa Vivamax sina Aljur at AJ, pero mas maganda sana kung face-to-face ang maging presscon para magkasama silang haharap sa press at sasagot sa mga itatanong sa kanila.





Comments