ALJUR, NILAYASAN ANG GMA-7 NOON, GUSTONG BUMALIK NGAYON
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 23, 2022

Sa isang panayam kay Aljur Abrenica, parang pinagsisihan niyang lumipat siya sa ABS-CBN.
Hindi nagustuhan ng mga netizens ang sagot ng aktor sa eksklusibong panayam sa kanya ni Tita Aster Amoyo sa YouTube Channel nito.
Komento ng mga netizens, "Nagpapatawa yata 'to. Nagsara lang ang network na atat na atat mong lipatan noon, tila nag-iba na ang ihip ng hangin."
"Actually, totoo naman na mali ang desisyon niya. Magaling magpasikat ang ABS-CBN pero si Aljur, palagi na siyang bida sa mga shows ng GMA. Kumbaga, maganda na ang puwesto niya kaso nagtampong purorot at nag-inarte nu'ng si Alden ang ginawang co-host ni Regine Velasquez at ipinartner pa kay Marian Rivera. In other words, na-insecure. Jusko, sa dami ng guwapo at magaling umarte sa Dos, kakainin talaga siya nang buo."
"'Yan ang napapala kapag nagsusunog ng tulay."
"Nagpapahaging. GMA 'wag n'yo nang tanggapin ang mga taong isinuka kayo."
"'Yung kahit banong umarte, ginawa lahat ng GMA sa kanya kahit nag-flop ang mga shows at movies niya, lead pa rin, tapos ayun, umalis. 'Yan din maganda sa GMA, they will give a lot chances."
May nagpaalala rin sa ginawa noon ni Aljur sa kanyang dating home network.
"I remember that day nu'ng magsampa siya ng kaso na gusto niyang magpa-release sa Artist Center. Atat lumipat kahit ibinibigay na sa kanya ang lahat. Maano ba 'yung hintayin mong matapos ang kontrata mo at tahimik kang lumipat.
"Aba! Nag-ingay pa. Ngayon, may ganyang statement? Baka nagpapalakas 'to na makabalik.
We'll see kung makakabalik pa siya matapos ng lahat ng ginawa niya. At this point, hindi na siya kailangan "
"Na-insecure kasi kay Alden kaya siya lumipat."
Hinggil naman sa nais niyang makipagbalikan sa estranged wife niyang si Kylie Padilla, sey ng mga netizens, "Jusko, open to reconciliation, 'wag na, Kylie, please?"
"Hindi ka kawalan sa GMA at kay Kylie."
"Don’t signed him back, GMA. Learn your lesson. Support Kylie Padilla na lang."





Comments